Andi, naluluhang tinanggap ang award ng ina: "ihehelera 'to sa kanyang mahigit 50 na tropeyo"

Andi, naluluhang tinanggap ang award ng ina: "ihehelera 'to sa kanyang mahigit 50 na tropeyo"

- Emosyonal si Andi Eigenmann nang tanggapin ang award na para sa kanyang si Jaclyn Jose

- Aniya, masakit para sa kanyang siya ang tumatanggap nito at hindi ang ina mismo

- Gayunpaman, naniniwala siya umanong nakangit ngayon si Jaclyn sa langit

- Sinabi rin ni Andi na ihehelera niya ang award na ito sa mahigit 50 na tropeyong natanggap ng ina

Hindi napigilang maging emosyonal ni Andi Eigenmann nang tanggapin ang Honorary Distinction Award mula sa Parangal ng Sining para sa kanyang yumaong ina na si Jaclyn Jose.

Andi, naluluhang tinanggap ang award ng ina: "ihehelera 'to sa kanyang mahigit 50 na tropeyo"
Andi, naluluhang tinanggap ang award ng ina: "ihehelera 'to sa kanyang mahigit 50 na tropeyo" (Andi Eigenmann)
Source: Instagram

Sa video na naibahagi rin ng Inquirer, kapansin-pansing naluluha at nanginginig ang boses ni Andi habang nagbibigay mensahe patungkol sa ina.

"Para sa aking nanay na si Jaclyn Jose, masaya po akong tumatayo dito para tanggapin ang parangal na ito para sa kanya. maraming salamat po sa Film Development Council of the Philippines sa pagbigay ng parangal na ito. sa aking nanay na si Jaclyn Jose."

Read also

Kristine Hermosa, bukas sa muling pagtatambal nila ni Jericho Rosales sa tamang proyekto

"Ako po ay pinagpala na lumaki sa mga kamay ng isang napakagaling na aktres, na ibinigay ang buong buhay ang buong puso ang buong kaluluwa niya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado si Andi na masakit para umano sa kanyang siya ang tumatanggap ng karangalan na sana'y si Jaclyn mismo ang tumatanggap.

"Masakit pa po sa akin na ako ang makakatanggap nito para sa kanya. Pero sigurado po ako, na nakangiti po siya ngayon sa langit. She deserves this award and thank you so much for that recornition. Masaya ko pong ihehelera 'to sa kanyang mahigit 50 na tropeyo dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Salamat po"

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma'Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Read also

Diwata, inaresto dahil sa kasong slight physical injuries

Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Jaclyn noong Marso 3 ng gabi. Ilang oras matapos maglabasan sa balita ang pagkamatay ni Jaclyn, ay nagpaunlak ng maiksing presscon ang anak nitong si Andi Eigenmann. Doon, kinumpirma niya na myocardial infarction o atake sa puso ang ikinamatay ng kanyang 'nanay.'

Isa sa proyektong naiwan ni Jaclyn ay ang karakter nitong bilang si Dolores Espinas sa Batang Quiapo. Gayundin ang pelikula kung saan kasama rin nila sana ang yumaong aktor na si Ronaldo Valdez. Naikwento ito ni Ara Mina na bahagi rin ng naturang pelikulang hindi pa umano nila natapos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica