Diwata, inaresto dahil sa kasong slight physical injuries

Diwata, inaresto dahil sa kasong slight physical injuries

- Viral ang tungkol sa pag-aresto kay Diwata o Deo Balbuena, isang kilalang street food vendor

- Inaresto raw siya dahil sa isinampang kasong slight physical injuries laban sa kanya noong 2018

- Ayon sa Pasay PNP Spokesperson na si PCapt. Mark Jun Anaviso, naganap ang pag-aresto ng umaga ng Abril 16

- Ito ay matapos maglabas ng arrest warrant laban kay Diwata ngunit agad namang nagpiyansa si Diwata sa halagang P3,000

Binahagi ng Pasay PNP ang isang video na nagpapakita ng pagbabasa ng karapatan kay Diwata habang siya ay inaaresto dahil sa kasong sinampa sa kanya na slight physical injury.

Diwata, inaresto dahil sa kasong slight physical injuries
Diwata, inaresto dahil sa kasong slight physical injuries
Source: Facebook

Mahinahong hinarap ni Diwata ang otoridad at agad naman din nakalaya matapos niyang magpiyansa ng P3,000.

Kamakailan lang, sumikat si Diwata matapos bumida sa kilalang seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Brenda Mage, ibinida ang picture kasama ang afam: "Dito ko lang pala sya mahahanap sa Singapore"

Kilala si Diwata sa kanyang itinitindang unli pares sa Pasay City, na naging paborito ng marami. Subalit, ang kanyang pag-aresto ay nagdulot ng pagtaka at interes sa kanyang personal na buhay.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linilisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.

Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel