Lolit Solis, nagbigay ng opinyon tungkol sa umano'y hiwalayang Paolo Contis at Yen Santos

Lolit Solis, nagbigay ng opinyon tungkol sa umano'y hiwalayang Paolo Contis at Yen Santos

- Nagbigay ng opinyon si Lolit Solis sa chikang break na sina Paolo Contis at Yen Santos at sinabing baka nagkasawaan na sila

- Sinabi ni Lolit na waldas sa pera si Paolo, dahilan kung bakit hindi pa siya nakakapagpundar ng sariling bahay

- Ayon sa kanya, kailangan ni Paolo ng mahusay na partner na kanyang ginagalang at sinusunod

- Nagbigay ng payo si Lolit kay Paolo na sundin ang kanyang puso at kung saan siya masaya

Nagbigay ng kaniyang opinyon si Lolit Solis tungkol sa mga usap-usapang naghiwalay na sina Paolo Contis at Yen Santos, at ibinahagi rin ang ilan sa mga detalye tungkol sa aktor-host. Sa panayam sa kanya na naibahagi sa YouTube channel ni Dondon Sermino YouTube channel, diretsahang sinagot ni Manay Lolit ang ilang mga katanungan tungkol sa kanyang alaga.

Lolit Solis, nagbigay ng opinyon tungkol sa umano'y hiwalayang Paolo Contis at Yen Santos
Lolit Solis, nagbigay ng opinyon tungkol sa umano'y hiwalayang Paolo Contis at Yen Santos
Source: Instagram

Nagbigay ng kanyang saloobin si Lolit Solis tungkol sa mga balitang paghihiwalay nina Paolo Contis at Yen Santos, kung saan ibinahagi niya ang ilang impormasyon tungkol sa Kapuso actor-host.

Read also

Iwa Moto, nagkomento sa annulment post ni Jodi: "Let’s celebrate"

Ayon kay Lolit, isa sa mga isyu sa kanilang relasyon ay ang pagiging waldas daw sa pera ni Paolo, na siyang nagiging dahilan kung bakit hindi pa ito nakakapagpatayo ng sariling bahay. Aniya, mahilig kasi si Paolo sa pagbili ng mga bagay-bagay na nauuwi sa kanyang pagkasayang ng pera.

Dagdag pa niya, ipinakikita raw ni Paolo ang kawalan ng paggalang sa pera, na nagdudulot ng mga away sa kanilang relasyon. Paliwanag ni Lolit, mula pa noong bata pa si Paolo ay nakatanggap na ito ng malaking halaga ng pera mula sa kanyang trabaho, kaya't natural lamang na magastos siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa pa sa mga posibleng dahilan kung bakit wala pang sariling bahay si Paolo ay ang pagtira niya sa kanyang mga magulang.

Para kay Lolit, mahalaga na magkaroon si Paolo ng isang mahusay na partner na maingat sa pera at marunong magbigay ng tamang payo. Sa ngayon, tila nauuwi sa desisyon ni Paolo na huwag munang kumpirmahin ang anumang impormasyon tungkol sa kanilang hiwalayan, ngunit hindi nito isinasara ang posibilidad na magkabalikan sila ni Yen.

Read also

Annabelle Rama, muling nag-post tungkol sa tinukoy niyang 'Chucky doll'

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang ilang beses na nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos na natanggap niya nang maghiwalay sila ni LJ. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Kamakailan ay inunahan na ni Paolo ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account. Ibinida niya na masarap ang kanyang baong adobo at may libreng bashing pa umano ito. Wala siyang binanggit na pangalan sa taong kanyang pinasalamatan ngunit tinawag niya itong "babikwoooh." Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen sa niluto nitong kaldereta, humirit pa si Paolo ng adobo na pabirong sinagot ni Yen na abusado na umano ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel