Maloi at Colet ng BINI, inulan ng pagbati sa pagtatapos nila ng Senior HS
- Inulan ng pagbati sina Maloi at Colet ng BINI sa pagtatapos nila ng Senior High School noong Hunyo 7
- Marami-rami na rin ang nagbahagi ng kanilang graduation photos kalakip ng pagbati nila sa dalawa
- Isa sa kanilang awitin ang napiling graduation song ng kanilang batch na siyang kinanta nila mismo sa nasabing seremonya
- Sina Maloi at Colet ay bahagi ng PPop group na Bini na siyang nasa likod ng mga kantang "Pantropiko" at "Salamin"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inulan ng papuri at pagbati sina Maloi Ricalde at Colet Vergara ng BINI sa pagtatapos nila ng Senior High School nito lamang Hunyo 8.
Marami-rami na rin ang nagbahagi ng kanilang pagbati sa dalawa na sa kabila ng kanilang busy schedule sa mga shows, nagawa pa rin nilang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Sa kani-kanilang Instagram, ibinahagi rin nina Maloi at Colet ang kani-kanilang graduation photos. Doon bumuhos ang pagbati lalo na mula sa kanilang mga fans.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Isa sa mga sumikat nilang awitin na 'Karera' ang siyang graduation song ng kanilang batch. Sila rin mismo ang nangunang kumanta nito kasama ang mga kapwa nila nagsipagtapos sa araw na iyon.
Samantala, sa ulat ng ABS-CBN, sinabing nais pa ring ipagpatuloy nina Maloi ng kolehiyo kung saan balak niyang kumuha ng kursong may kaugnayan sa Multimedia o Fine Arts. Habang si Colet naman ay medical-related ang nais kunin tulad ng destistry.
Kasabay din nilang nagtapos ng Senior High School ang ilang miyembro ng tulad nilang PPop group, ang BGYO na sina JL, Mikko at Gelo.
Ang BINI ay Pinoy Pop group na binubuo nina Maloi, Colet, Aiah, Mikha, Jhoanna, Gwen, Stacey, Sheena. Produkto sila ng 2019 ABS-CBN Star Hunt Academy. Sila ang nasa likod ng mga sikat na awiting "Pantropiko", "Karera" "Lagi" at "Salamin, Salamin"
Matatandaang sa panayam sa kanila ni Karen Davila, napuri sila nito nang malaman niya ang pinagdaanan ng grupo bago makamit ang kasikatan nila ngayon, Ayon kay Karen, tama lamang umano na maging idolo ang grupo.
Samantala, kabi-kabilang bersyon naman ng 'Pantropiko' dance craze nila ang kinagiliwan online. Kabilang na ang pagsasayaw nito ni Donny Pangilinan sa isang mall show kung saan kasama niya ang ka-love team na si Belle Mariano.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh