Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos siyang i-prank ng kanyang mommy

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos siyang i-prank ng kanyang mommy

- Kinaaliwan ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina Hilario dahil sa kanyang reaksiyon sa prank ng kanyang mommy

- Kunwaring pinaabot ng kanyang mommy ang toilet paper at kunwaring dumi ang nadikit sa kamay nito

- Tila nagulat si Sarina at napatingin sa kamay niya pero hindi naman ito umiyak at mahinahong sinabi na punasan na lang ng kanyang mommy ang kanyang kamay

- Napansin din niyang meron din sa kanyang damit kaya aniya ay maliligo na lamang siya

Kinaaliwan ng mga netizens ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina Hilario dahil sa kanyang nakakaaliw na reaksiyon matapos siyang i-prank ng kanyang mommy. Sa naturang prank, pinaabot ng kanyang mommy ang toilet paper kay Sarina at kunwari'y may dumi itong nadikit sa kanyang kamay.

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos siyang i-prank ng kanyang mommy
Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos siyang i-prank ng kanyang mommy
Source: TikTok

Sa video, makikitang tila nagulat si Sarina at napatingin sa kanyang kamay. Sa halip na umiyak o magalit, mahinahong sinabi ni Sarina na punasan na lang ng kanyang mommy ang kanyang kamay. Napansin din ni Sarina na mayroon ding kunwaring dumi sa kanyang damit kaya’t sinabi niyang maliligo na lamang siya.

Read also

Diwata, umano'y dinumog sa mall: "Namili ako pangsosyal na damit"

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Now I agree, napakalaking factor sa behavior ng bata kung paano sila pinapalaki at kung anong klaseng magulang meron sila. Good job sa parents ni Sari!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yong gusto niyang mandiri pero inuna niya pagiging understanding. Cutie Sarina."
"She is one perfect example ng maayos at hindi na spoiled na bata. The respect, discipline, and intelligence is there. Kudos to the parents."

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Toni Fowler, binahagi ang meme tungkol sa kanyang baby bump update post

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate