Vice Ganda, maglalabas ng bagong kanta na pinamagatang 'Bwak Bwak Bwak'

Vice Ganda, maglalabas ng bagong kanta na pinamagatang 'Bwak Bwak Bwak'

- Maglalabas si Vice Ganda ng bagong single na "Bwak Bwak Bwak" sa June 1

- Inanunsyo ng komedyante ang tungkol dito sa kanyang Instagram, na may kasamang animated clip.

- Maraming netizens ang nag-speculate na ang kanta ay patama kay Cristy Fermin, ngunit walang direktang binanggit na pangalan

- Maalala na ginamit ni Vice Ganda ang salitang 'Bwak bwak bwak' nang mabanggit niya si Fermin sa isang episode ng 'It’s Showtime

Isang bagong single ang inaabangan mula kay Vice Ganda na pinamagatang “Bwak Bwak Bwak” na ilalabas sa Hunyo 1. Marami ang nagtataka kung isa ba itong diss track, lalo na’t ang ilan sa kanyang mga tagahanga ay nagsususpetsa na ito ay patama sa isang tao.

Vice Ganda, maglalabas ng bagong kanta na pinamagatang 'Bwak Bwak Bwak'
Vice Ganda, maglalabas ng bagong kanta na pinamagatang 'Bwak Bwak Bwak'
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram at Facebook page, ibinahagi ng komedyante at host ng “It’s Showtime” ang isang animated clip ng pamagat ng kanta, na may ilang linya mula sa kanta bilang background music. Naririnig si Vice Ganda na nagra-rap ng:

Read also

Melai Cantiveros, inulan ng pagbati sa kanyang sariling talk show

“Bwak bwak bwak bwak bwak bwak / Ano nga ulit ‘yung sinasabi mo? / Bwak bwak bwak bwak bwak bwak / Lord, please, kunin mo na siya.”

Ang bagong single ay inanunsyo rin ng ABS-CBN Music label na StarPop sa kanilang Instagram page.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming excited na netizens ang nagbigay ng kanilang mga opinyon sa comments section.

Maalalang ginamit ni Vice Ganda ang salitang “Bwak bwak bwak” nang mabanggit niya si Fermin sa isang episode ng “It’s Showtime.”

Nagbibiruan noon si Vice Ganda at ang kapwa host na si Jhong Hilario nang sabihin ng huli, “Ganyan naman kasi kayong mga babae.” Bago pa matapos ni Hilario ang kanyang pangungusap, pinutol siya ni Vice Ganda at sinabi nang pabiro, “Bakla ako, bakla ako! Wag mong sasabihin ‘yan, magagalit si Cristy Fermin!”

“‘Hindi ka babae, Vice Ganda!’ sabi niya—bwak bwak bwak bwak bwak,” dagdag ni Vice Ganda.

Read also

Diwata, nag-soft opening na ang QC branch; ipinasilip ang mga bago nilang ihahain

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Read also

Babae na kausap ni Philmar Alipayo sa viral video, nakiusap na huwag silang gawan ng isyu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel