Melai Cantiveros, inulan ng pagbati sa kanyang sariling talk show

Melai Cantiveros, inulan ng pagbati sa kanyang sariling talk show

- Ibinahagi ni Melai Cantiveros ang poster ng bago niyang talk show na "Kuan on One" sa ilalim ng ABS-CBN

- Sa kanyang Instagram post, hinikayat niya ang suporta ng mga netizens, lalo na ang mga Bisdak

- Maraming netizens ang nagpaabot ng pagbati at mensahe ng suporta para kay Melai sa kanyang bagong proyekto

- Ang mga komento ng netizens ay nagpapakita ng kanilang excitement at pagmamahal kay Melai

Ibinahagi ng komedyante at TV host na si Melai Cantiveros ang poster ng bago niyang programa sa ilalim ng ABS-CBN. Sa kanyang latest Instagram post nitong Linggo, Mayo 26, nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa naturang programa na “Kuan on One.”

Melai Cantiveros, inulan ng pagbati sa kanyang sariling talk show
Melai Cantiveros, inulan ng pagbati sa kanyang sariling talk show
Source: Instagram

“‘Kuan on One’ Soon sa @abscbn ❤️Supportahe ko ninyu ha mga Bisdak,” saad ni Melai sa caption ng kaniyang post.

Dahil dito, nagpaabot ng pagbati at mensahe ng suporta ang mga netizen para kay Melai. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Read also

Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

“OMG!!!! MAO NA NI! GO GO MAMSHIE KUAN!!! ❤️❤️❤️”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“Congrats Melai.. Unaha sila interview ang KIMPAU”
“First Guest sana si Jason or Mela and Stela “Congrats! Well deserved! ❤️”
“Wow congrats may “Kuan ❤️ ily momshie Melai”

Ang mga pagbati at suporta mula sa netizens ay nagpapakita ng kanilang excitement at pagmamahal kay Melai sa kanyang bagong proyekto.

Si Melai Cantiveros ay kilala sa kanyang pagiging komedyante at pagiging hands-on mom, na palaging may nakakatuwang kwento tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanilang bakasyon sa South Korea ay isa lamang sa maraming masasayang alaala na ibinabahagi ni Melai sa kanyang mga tagahanga.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel