Diwata, nag-soft opening na ang QC branch; ipinasilip ang mga bago nilang ihahain

Diwata, nag-soft opening na ang QC branch; ipinasilip ang mga bago nilang ihahain

- Masayang ipinakita ni Diwata ang mga kaganapan sa soft opening ng kanyang branch sa Quezon City

- Sa kabila ng pag-ulan, marami pa rin ang dumalo at sumuporta sa kanya

- Ipinasilip rin ni Diwata ang mga bagong pakaaabangan sa naturang branch

- Aniya, Sa June 1 ang magiging grand opening ng Diwata Pares Overload sa Quezon City

Agad na naibahagi ni Diwata ang mga kaganapan sa soft opening ng kanyang Quezon City Branch.

Diwata, nag-soft opening na QC branch; ipinasilip ang mga bago nilang ihahain
Diwata (Diwata Pares Overload Official account YT)
Source: Youtube

Sa YouTube channel na Diwata Pares Overload Official account, ipinasilip ni Diwata ang mga bagong pakaabangan sa naturang branch.

Bukod kasi sa pinipilahan na pares overload, magkakaroon na rin umano ng 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.

Bukod dito, ipinasilip din ni Diwata ang kanyang kitchen na may mga bagong-bagong mga lutuan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Coco Martin kay Diwata: "Ang bait niya, nakakatuwa na ang sarap tulungan"

Sa kabila ng pag-ulan ngayong Mayo 26, ay marami pa rin ang nagtungo at sumuporta sa soft opening na ito ng bagong branch ng kainan ni Diwata.

Samantala, sa June 1 naman daw ang grand opening ng kanyang Quezon City branch na ito.

Narito ang kabuuan ng naturang video:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Sa isang post ni Rosmar Tan, todo puri niya si Diwata na masarap umanong tulungan dahil hindi raw ito abusado. Matatandaang ang CEO na si Rosmar ang siansabing may pinakamalaking naibahaging biyaya kay Diwata na umabot ng milyon-milyon ang halaga.

Hindi naman nalalayo ang naging komento ng respetadong aktor at direktor na si Coco Martin na hanga umano kay Diwata na aniya'y masarap tulungan dahil sa pagiging likas din nitong kabaitan. Sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ni Coco kung paano niya nakuha si Diwata upang maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo. Bagama't kabado sa umpisa, kinakitaan niya ito ng dedikasyon at determinasyon dahilan para maging regular na umano ito sa naturang serye na tulad ng pares ni Diwata ay pinakaaabangan din ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel