Ivana Alawi, ibinida ang kanyang pagkain ng sardinas kasabay ng pagbahagi ng paalala

Ivana Alawi, ibinida ang kanyang pagkain ng sardinas kasabay ng pagbahagi ng paalala

- Ibinida ni Ivana Alawi ang kanyang pagkain ng sardinas matapos daw niyang mag-crave nito dahil ilang beses niyang nakita sa social media

- Nitong mga nakaraang araw ay naging mainit na usapin ang tungkol dito matapos ang paglabas ng 'sardinas eating challenge' ng isang content creator

- Makikita sa binahaging video ni Ivana ang kanyang pagkain nang nakakamay

- Paalala ni Ivana, dapat ay magpasalamat na may nakakain at huwag magsayang ng pagkain

Ibinida ni Ivana Alawi ang kanyang pagkain ng sardinas matapos siyang mag-crave nito dahil sa ilang beses niyang nakita sa social media. Sa isang video na kanyang ibinahagi, makikitang kumakain si Ivana nang nakakamay, na labis na kinatuwaan ng kanyang mga followers.

Ivana Alawi, ibinida ang kanyang pagkain ng sardinas kasabay ng pagbahagi ng paalala
Ivana Alawi, ibinida ang kanyang pagkain ng sardinas kasabay ng pagbahagi ng paalala
Source: TikTok

Nitong mga nakaraang araw, naging mainit na usapin ang pagkain ng sardinas matapos ang paglabas ng 'sardinas eating challenge' ng isang content creator. Sumabay si Ivana sa popularidad ng paksa ngunit nagbigay din siya ng mahalagang paalala.

Read also

Emosyonal na video ng wedding vows nina Mika dela Cruz at Nash Aguas, viral

Paalala ni Ivana, dapat ay magpasalamat na may nakakain at huwag magsayang ng pagkain. Maraming netizens ang pumuri sa kanya dahil sa pagpapahalaga sa pagkain at sa pagiging relatable niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang naturang video ni Ivana ay umani ng maraming views at positibong komento mula sa kanyang mga tagahanga, na lalo pang humanga sa kanya.

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Matatandaang kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel