Emosyonal na video ng wedding vows nina Mika dela Cruz at Nash Aguas, viral

Emosyonal na video ng wedding vows nina Mika dela Cruz at Nash Aguas, viral

- Nag-viral ang emosyonal na wedding vows nina Mika dela Cruz at Nash Aguas matapos silang ikasal noong Sabado, Mayo 18, sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan

- Nagpasalamat si Nash sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong mahalin si Mika ng tatlong beses: bilang child stars, noong 2018, at matapos silang magkabalikan

- Para naman kay Mika, ipinahayag niya ang pagmamahal niya kay Nash, binanggit ang mga alaala mula sa kanilang kabataan at ang kanyang kasiyahan bilang bagong Mrs. Victoriano

- Binahagi ni Mika ang video na umantig sa puso ng maraming netizens at mabilis na kumalat sa social media

Nag-viral sa social media ang emosyonal na video ng wedding vows nina Mika dela Cruz at Nash Aguas matapos silang ikasal noong Sabado, Mayo 18.

Matapos ang ilang taon ng pagiging magkasintahan, nagpalitan ng kanilang mga pangako ang dalawa sa harap ng kanilang pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay.

Read also

Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024

Emosyonal na video ng wedding vows nina Mika dela Cruz at Nash Aguas, viral
Emosyonal na video ng wedding vows nina Mika dela Cruz at Nash Aguas, viral
Source: Facebook

Sa video na in-upload ni Dela Cruz, makikitang parehong emosyonal ang mag-asawa habang binabasa nila ang kanilang mga wedding vows. Sinimulan ni Aguas ang kanyang pangako sa pamamagitan ng pasasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong mahalin si Mika ng tatlong beses.

Ang una ay noong nagkakilala sila bilang child stars, ang pangalawa ay noong 2018 nang nagsimula silang magkaroon ng romantikong relasyon, at ang pangatlo ay matapos silang magkahiwalay at muling magkabalikan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"To you my love, I will not promise all the things of the world for we will leave it here. I will not promise riches for they will fade but I promise you this -- I will promise you joy even through suffering. I will promise you peace in all circumstances and I promise to always point you back to Him whenever it seems so hard. And, I promise to love you even you don't anymore because that's how He loves me and I love you," ani Aguas sa kanyang pangako.

Read also

Otlum, hinamon ang mga CEO ng mga skincare products: "Ako ang pagandahin nyo"

Sumagot naman si Dela Cruz, "Ang galing mo nga kasi hindi pa tayo Mr. and Mrs. noon but you are already leading me. Kaya I'm sure you will be the best leader to our future family, future kids."

"Mahal na kita noong binubuhat mo ang bag ko sa kahabaan ng Great Wall of China at sa kahabaan ng Asian cruise ng 'Bulilit' kahit napakabigat ng dala ko pati nung binilhan mo ako ng green mermaid ballpen sa Singapore. ... Love, salamat sa lahat at sa hinaba-haba. Ikaw ang unang crush ko at ang huling mahal ko. I love you love so, so, so much. This is the start of our life together, our forever and I'm so blessed to be your Mrs. Victoriano," sabi ni Dela Cruz.

Naging bahagi ng showbiz si Nash sa kanyang edad na limang taong gulang sa noontime variety show MTB, matapos niya sumali sa paligsahan sa Batang F4 ng programa. Noong 2004, sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kung saan nanalo siya ng titulong "Grand Kid Questor". Kilala siya bilang mainstay sa Sunday comedy gag show na Goin 'Bulilit.

Read also

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, magkasamang dumalo sa prom

Matatandaang ibinahagi nina Nash at Mika ang kanilang reaksiyon habang pinapanood ang mga lumang videos nila. Ang mga videos na ito ay kuha noong maliliit pa sila at magkasama sa show na 'Goin' Bulilit.' Hindi napigilang matawa ng mga ito nang muling makita ang kanilang kakulitan bilang mga bulilit. Marami naman ang kinilig dahil kahit noong bata pa lang sila ay makikita na ang kanilang pagiging malapit sa isa't-isa.

Samantala, pinabulaanan ng ina ni Mika ang bali-balitang nagdadalantao umano si Mika. Kasunod ito ng paglabas ng picture nina Mika at Nash kamakailan na kuha sa kasal ng kapatid ni Mika. Ayon sa ina ni Mika walang katotohanan iyon at matagal na itong pang-iintrigang ito sa kanyang anak. Aniya, kung totoo ito ay dapat nanganak na si Mika dahil sa hindi pa rin natitigil na isyung ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel