Sharlene San Pedro, binahagi ang kanyang audition video noon para sa Goin' Bulilit

Sharlene San Pedro, binahagi ang kanyang audition video noon para sa Goin' Bulilit

- Ibinahagi ni Sharlene San Pedro ang kanyang audition video noong 5 taong gulang siya para sa 'Goin' Bulilit' sa TikTok kasunod ng anunsyo ng pagbabalik ng programa

- Matatandaang inanunsyo ng ABS-CBN noong Mayo 21 ang auditions para sa bagong batch ng Goin' Bulilit, na gaganapin sa Sabado, Mayo 25, 2024, mula 9am hanggang 4pm

- Kabilang ang mga batang miyembro ng It's Showtime, sina Argus, Kulot, Jaze, Imogen, at Kelsey sa mga kumpirmadong kasama sa upcoming revival ng 'Goin' Bulilit'

- Ang show creator naman na si Bobot Mortiz ay nagpahayag ng kanyang excitement sa pagbabalik ng programa at pinuri ang galing ng mga bagong batang miyembro

Kasunod ng anunsyo ng pagbabalik ng Goin' Bulilit sa telebisyon, ibinahagi ng dating miyembro na si Sharlene San Pedro ang kanyang audition video sa TikTok. Sa naturang video, makikita ang limang taong gulang na si Sharlene na gumagawa ng cute na poses para sa kamera noong kanyang audition.

Read also

Rabia Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks

Sharlene San Pedro, binahagi ang kanyang audition video noon para sa Goin' Bulilit
Sharlene San Pedro, binahagi ang kanyang audition video noon para sa Goin' Bulilit
Source: Facebook

"Balita ko ibabalik daw ang Goin' Bulilit sa TV. May audition daw ngayong May 25 sa ABS-CBN. For more details, punta na lang kayo sa post ng ABS-CBN kasi nandiyan na 'yung buong detalye ng audition na magaganap sa Sabado," ani Sharlene. Dagdag pa niya, "Pero kaya ako gumawa ng video na ito kasi gusto kong ipakita sa inyo 'yung audition ko nung 5 years old ako."

"O di ba ang cute parang walang pinagbago... Excited na ako makita 'yung new batch. Good luck sa mago-audition!" dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kumpirmadong kasama sa upcoming revival ng Goin' Bulilit sina 'It's Showtime' kids Argus, Kulot, Jaze, Imogen, at Kelsey.

"Hindi ko pa sila nami-meet pero alam kong magagaling sila. Maganda 'yan kasi masasalihan natin ng ibang bata na magaling talaga," pahayag ni Bobot Mortiz, ang show creator, sa isang panayam ng ABS-CBN News.

Read also

Daniel Padilla, nakatakdang dumalo umano sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Ipinahayag ni Direk Bobot ang kanyang excitement tungkol sa pagbabalik ng programa sa telebisyon. "Nagulat ako kasi biglaan nga. Pero nakakatuwa naman na maraming excited na mga bata. Ang tagal nawala ang Goin' Bulilit."

Dagdag pa niya, "Aaminin ko, nung nawala 'to kung saan-saan ko 'to inalok, gusto mong gumawa talaga ng Bulilit. Siguro kaya hindi natuloy noon kasi eto talaga siya."

Unang umere ang Goin' Bulilit sa telebisyon noong Pebrero 6, 2005.

Si Sharlene Santos San Pedro o mas kilala sa kanyang screen name na Sharlene San Pedro ay isang Filipino actress, singer at VJ. Una siyang napanood sa telebisyon sa edad na apat na taon nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest: Kids Edition noong 2004 kung saan nakuha niya ang 2nd place.

Nakapagtapos na ng kolehiyo si Sharlene noong 2022. Ibinahagi ni Sharlene sa kanyang mga social media account ang kanyang tagumpay. Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang kapwa artista at ng mga netizens si Sharlene. Si Sharlene ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Psychology.

Read also

Anne Curtis, napuri ni Ogie Diaz: "hindi binabago ng panahon, ng kasikatan"

Kamakailan ay naibahagi ni Sharlene sa kanyang followers ang kanyang achievement. Ito ay ang pagbili niya ng bagong sasakyan na kanyang pinag-ipunan. Pinakita niya sa kanyang post ang ilang picture ng kanyang bagong sasakyan. Ilan sa kanyang mga kaibigan kagaya nina Barbie Imperial, Miles Ocampo, at Loisa Andalio ay nag-react sa kanyang achievement.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel