Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024

Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024

- Nag-viral ang pagpasa ni Michelle Dee ng kanyang korona kay Miss Bulacan Chelsea Manalo

- Isang netizen ang pabirong nagsabi sa X na kailangan niyang i-balanse ang kanyang mga problema tulad ng pagbalanse ni Chelsea sa korona

- Si Michelle ay nagbigay ng nakakaaliw na tugon at nagsabing, "Ayan, At least I fixed it" kasabay nagbahagi ng larawan ng maayos na ang pagkakalagay ng korona

- Maraming meme ang kumalat patungkol sa crowning moment ni Chelsea Manalo na umani ng mga nakakatawang reaksiyon

Hindi napigilan ng mga netizen ang matawa sa viral na video ng pagpasa ni Michelle Dee ng kanyang korona kay Miss Bulacan, Chelsea Manalo. Sa hindi inaasahang pangyayari, inilagay ni Michelle ang korona sa ibabaw ng ulo ng kanyang kahalili nang tila ba nakapatong lang ito.

Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024
Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024
Source: Twitter

“I need to balance my problems like how Bulacan balances her crown,” pabirong pahayag ng isang netizen sa X (dating Twitter). Ang komento ay mabilis na kumalat at naging usap-usapan sa social media, na nagdulot ng maraming memes at biro tungkol sa nakakaaliw na eksena.

Read also

Searchee sa Expecially For You, tinawag na 'Dabarkads' ang Madlang Pipol

Sa kabila ng maliit na aberya, nanatiling positibo si Michelle. Nagbigay siya ng nakakaaliw na tugon sa X: "The crowning moment though," aniya, kalakip ang isang larawan ng korona matapos itong maayos na maikabit. "Ayan. At least I fixed it" dagdag pa niya na may kasamang laughing emoji na nagpatawa sa marami niyang tagasunod.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi maikakaila ang suporta ng mga tagahanga kay Michelle Dee sa kanyang paglalakbay bilang isang beauty queen. Ang viral na sandaling ito ay nagpakita lamang ng kanyang pagiging sport at ang kanyang kakayahang humarap sa mga sitwasyon nang may ngiti.

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Read also

Dominic Roque, okay at happy daw ilang buwan matapos ang naudlot na engagement

Nagbahagi ng mensahe si Michelle Dee sa kabila ng mga reaksiyon sa lumabas na video kung saan kasama niya ang Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip. Sa halip na magreklamo ay nanatiling positibo ang mensaheng kanyang pinarating lalo na sa kanyang supporters na hindi natuwa sa video. Sa kanyang Instagram story ay sinabi niyang pairalin ang 'love, empathy at kindness. Matatandaang maging ang kaibigan ni Michelle na si Rhian Ramos ay umalma sa naturang video.

Binahagi ni Rhian Ramos ang isang video reel kung saan makikitang magkasama sina Michelle at ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip. Inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa video na ibinahagi ng Instagram page na may handle na @forthephilippines. Aniya, hindi niya masikmura ang naturang video kung saan nagsasalita si Anne at nabanggit ang Philippines, Thailand at ''they cannot move on." Base sa mga komento, ang sinabi daw ni Anne ay sabihan ni Michelle ang mga taga-Thailand dahil hindi daw sila maka move on.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel