Karylle, nakwentong na-trash talk nang subukang mag-ML: "Sumakit yung damdamin ko"

Karylle, nakwentong na-trash talk nang subukang mag-ML: "Sumakit yung damdamin ko"

- Ibinahagi ni Karylle ang kanyang karanasan nang sinubukan niya ang maglaro ng mobile game para maintindihan niya ang kanyang asawang si Yael Yuzon

- Aniya, dahil sinusubukan pa lang niya ay nasabihan siya ng masasakit ng mga kalaro niya na mga bata

- Hindi din naman daw nila alam na si Karylle yung kalaro nila dahil ang pangalang ginamit niya ay 'Kulot'

- Nakwento ito ni Karylle matapos itanong ng searchee sa Expecially For You ang tungkol sa trash talk sa mobile games

Ibinahagi ni Karylle ang kanyang karanasan sa paglalaro ng mobile game, kung saan siya ay na-target ng masasakit na salita mula sa mga kapwa manlalaro.

Karylle, nakwentong na-trash talk nang subukang mag-ML: "Sumakit yung damdamin ko"
Karylle, nakwentong na-trash talk nang subukang mag-ML: "Sumakit yung damdamin ko"
Source: Youtube

Ayon kay Karylle, sinubukan niyang maglaro ng mobile game upang mas maintindihan ang mundo ng gaming ng kanyang asawang si Yael Yuzon. Subalit, sa kanyang unang pagtatangkang makisali sa laro, hindi niya inakala na mararanasan niya ang mga hindi kanais-nais na salita mula sa ibang manlalaro.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang top 10 gifts mula sa inang si Sharon Cuneta

Dagdag pa niya, hindi naman daw nila alam na siya mismo ang kanilang kalaro dahil sa pangalang "Kulot" ang kanyang ginamit sa laro.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.

Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan Bang. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.

Naiyak si Karylle sa kanilang larong "Vest in Spelling" sa segment nilang "Palarong Pang-madla" sa It's Showtime. Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest. Bukod sa time pressure, hamon din sa mga host na matandaan ang mga titik sa kanilang harap at likod. Sa tuwing nakakatama sila ay nadadagdagan ang perang iniipon nila para ipamigay tuwing Sabado sa kanilang "Random Acts of Kindness."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate