Rosmar Tan, kinuhang staff ang aniya'y 'taong grasa' na nabigyan niya ng 10K
- Binahagi ni Rosmar Tan na nasa poder niya na ang taong grasa na nabigyan niya ng 10K nang pumunta siya sa paresan ni Diwata
- Staff na daw niya ito sa kanyang bagong bukas na Rosmar Pares Overload sa R Mansion sa Tagaytay
- Bukod sa pagme-make over, ipapa-medical din daw niya ito kasama ang kanyang mga staff doon
- Matatandaang naiyak ang lalaking ito nang mapansin siya ni Rosmar at nabigyan ng sampong libong piso habang nasa paresan ni Diwata
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Binahagi ni Rosmar Tan na nasa poder na niya ang nag-viral kamakailan na aniya'y 'taong grasa' na kanyang naabutan ng tulong. Binigyan niya ng 10,000 piso ito na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng naturang lalaki.
Sa post ni Rosmar, nabahagi niyang hindi lamang nagtapos ang kwento sa pagbibigay ng pera. Sa halip, naging bahagi na ng kanyang negosyo ang dating 'taong grasa' na ngayo'y may bagong pag-asa. Bahagi na raw ito ng kanyang mga staff sa kanyang pinakabagong negosyo, ang Rosmar Pares Overload na matatagpuan sa R Mansion sa Tagaytay.
Subalit, hindi lamang trabaho ang alok ni Rosmar. Sa kabila ng pagbibigay ng oportunidad sa trabaho, i-me-make over at pagpapa-medical check-up din niya ito kasama ang kanyang mga tauhan sa nasabing establisimyento.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang ginawang ito ni Rosmar Tan ay hindi lamang nagdulot ng pag-asa sa isang tao, kundi nagbigay din ng inspirasyon sa maraming tao.
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.
Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.
Source: KAMI.com.gh