Rosmar, sinabing masarap tulungan si Diwata: "Ramdam mo na di siya abusadong tao"

Rosmar, sinabing masarap tulungan si Diwata: "Ramdam mo na di siya abusadong tao"

- Sa bagong post ni Rosmar Tan, nabanggit nitong masarap umanong tulungan ang tulad ni Diwata

- Matapos niya itong gawin umanong 'instant milyonaryo', inalok pa niya ito ng 'makeover'

- Gayunpaman, tumanggi sa ngayon si Diwata na aminadong kinakabahan

- Minsan nang may namuong isyu sa dalawa sa sinasabing panggagaya 'di umano ni Rosmar sa Pares overload ni Diwata

Umaapaw ang biyayang ipinagkaloob ni Rosmar Tan kay Diwata ng Diwata Pares Overload.

Rosmar, sinabing masarap tulungan si Diwata: "Ramdam mo na di sya abusadong tao"
Rosmar, sinabing masarap tulungan si Diwata: "Ramdam mo na di sya abusadong tao" (Rosemarie Tan Pamulaklakin)
Source: Facebook

Matapos niya itong bigyan ng bahay at 1 million pesos at iba pa umanong pang kabuhayan, naikwento ni Rosmar na inalok pa niya ng makeover si Diwata.

"Tinanong ko rin sya kung gusto nya pakilayan ko sya tulad ng sakin sa Prettylooks at pa rhinoplasty," ani Rosmar.

Nasabi niyang gusto raw ni Diwata subalit kinakabahan daw talaga ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela

Naikwento rin ni Rosmar ang pagsusuot niya ng tsinelas kahit nag-guest pa siya sa programang Unang Hirit. Napansin din umano niya ito kay Diwata na nais pa sana niyang bigyan ng mamahaling tsinelas.

"Tinanong ko sya kung bakit di sya nagpapalit ng tsinelas kasi balak ko sya bigyan ng mamahaling tsinelas pero sabi nya kaya daw di sya nagpapalit ng tsunelas kasi marurumihan lang din daw agad kasi lagi daw syang pagala gala."

Dahil dito, aminado si Rosmar na mas lalo siyang humanga kay Diwata.

"Ganto masaraaap tulungan kasi ramdam mo na di sya abusadong tao," ani Rosmar.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Read also

Diwata, nakatanggap ng bahay at 1M pesos mula kay Rosmar Tan

Matatandaang nagbigay ng mensahe si Diwata sa kanyang mga bashers na nagsasabi ng hindi kagandahang mga salita tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkaing kanyang inihahanda at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers na ito. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinikayat silang linilisin ang ugali ng mga ito. Aniya simple lang ang kanyang layunin at ito ay ang makabangon sa kahirapan.

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel