Ogie Diaz, nagpasalamat kay Claudine Barretto sa pinadala nitong regalo

Ogie Diaz, nagpasalamat kay Claudine Barretto sa pinadala nitong regalo

- Nakatanggap ng regalo si Ogie Diaz mula kay Claudine Barretto na nagpapakita ng pagsuporta ng aktres kay Ogie

- Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Ogie ang isang video clip kung saan pinasalamatan niya ang aktres

- Kabilang sa mga natanggap niya ay cupcakes na mayroong nakasulat na 'Standing by You'

- Matatandaang kamakailan lang ay binahagi ni Ogie ang kanyang eksklusibong panayam kay Claudine kung saan sa unang pagkakataon ay sinagot ni Claudine ang mga kontrobersiyang pinukol sa kanya kaugnay sa kanyang dating kasintahan na si Rico Yan

Nagpakita ng pasasalamat si Ogie Diaz sa kilalang aktres na si Claudine Barretto matapos nitong ipadala ang isang espesyal na regalo na nagpapakita ng pagsuporta kay Ogie.

Ogie Diaz, nagpasalamat kay Claudine Barretto sa pinadala nitong regalo
Ogie Diaz, nagpasalamat kay Claudine Barretto sa pinadala nitong regalo
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Ogie ang isang video clip kung saan personal niyang pinasalamatan si Claudine para sa natanggap na regalo.

Read also

Carmina Villarroel, naiyak sa nakakaantig na Mother's Day message ni Mavy

Kabilang sa mga ipinadala ni Claudine ay mga cupcakes na may nakasulat na "Standing by You," na nagpapakita ng kanyang suporta kay Ogie sa anumang pagsubok na kanyang kinakaharap.

Matatandaang kamakailan lang ay nag-viral ang eksklusibong panayam ni Ogie kay Claudine, kung saan unang beses na sinagot ng aktres ang mga kontrobersiyang sumubok sa kanya kaugnay ng pagpanaw ng kanyang dating kasintahan na si Rico Yan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel