Janno Gibbs, nagpakatotoo: Ibinahagi ang dahilan ng pagiging late niya noon sa trabaho
- Ibinahagi ni Janno Gibbs na naapektuhan ang kanyang career dahil sa bansag sa kanyang “The Late Janno Gibbs"
- Nagmula ito dahil sa kanyang palaging pagiging late noon ngunit aniya ay hindi naman ganun ka-late
- Ani Janno, ang totoong dahilan nito ay dahil sa kanyang insomnia na isang isyung pangkalusugan na nagpapahirap na makatulog, manatiling tulog, o bumalik sa pagtulog
- Nilinaw naman ni Janno na sa kasalukuyan ay maaga na siyang pumupunta sa trabaho sa kabila ng pagkakaroon niya pa rin ng insomnia
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita na ang beteranong komedyante at TV host na si Janno Gibbs hinggil sa kadalasang pagiging late niya sa kanyang mga trabaho noon. Sa kanyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda," inamin ni Janno na ang insomnia ang dahilan kung bakit madalas siyang nale-late sa mga commitments niya.
Nagsimula lang daw ito sa tuksuhan at katuwaan, ngunit hindi niya inaasahang magiging negatibo ang epekto nito sa kanyang career.
Aminado si Janno na dati ay may kahirapan siyang pumasok sa tamang oras, ngunit mula nang bumalik siya sa Viva, lagi na raw siyang maaga.
Binigyan din niya ng linaw na gusto na sana niyang palitan ang kanyang handle name sa Instagram ngunit hindi na ito pumayag dahil sa dami ng kanyang mga followers.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, determinado si Janno na baguhin ang kanyang imahe at itama ang kanyang mga pagkakamali.
Si Janno Gibbs ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong taong 1986 bilang bahagi ng teen variety show na That's Entertainment sa GMA Network. Naging bahagi din siya ng ilang mga palabas sa Viva Films at naging host ng TV show na "Small Brothers" noong 1990. Nakilala siya sa mga bansag na "Late", "Mokong" at "Philippine's King of Soul".
Kamakailan ay inilabas ni Janno ang kanyang saloobin kaugnay sa komentong tila tinatamad umano siyang maglaro ng badminton. Sinabihan niya ang lahat na basahin muna ang kanyang caption kung saan nakasaad na "warm-up" lamang ang kanyang ginagawa. Nilinaw niya kung ano ang ibig sabihin ng warm up at inudyukan ang mga netizens na magbasa naman kung may time.
Nakatanggap din si Janno ng negatibong komento mula sa kanyang basher. Sa kanyang binahaging Instagram Story, pinakita niya ang komento nito na nagsasabing laos umano siya. Pinakita niya rin ang IG profile ng naturang basher na may nakalagay na "Spread love, be compassionate." Dahil dito ay tinawag ni Janno ang naturang basher na hypocrite.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh