Angeline Quinto, nag-viral ang bagong video sa social media

Angeline Quinto, nag-viral ang bagong video sa social media

- Nagbahagi si Angeline Quinto ng panibagong video

- Matatandaang nauna nang naibalita ni Ogie Diaz ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ngunit wala pang kumpirmasyon mula kay Angeline tungkol dito

- Gayunpaman, nag-viral din kamakailan ang video ng kanyang performance sa isang out-of-town show kung saan nakikita na rin ang maumbok niyang tiyan

- Inulan naman ng pagbati si Angeline sa naturang post

Sa bagong video na binahagi ni Angeline Quinto, bumuhos ang mga pagbati para sa kanya. Bagamat hindi pa personal na nagkumpirma si Angeline tungkol sa kanyang pagbubuntis, marami ang natuwa at nagbigay ng suporta sa kanya sa social media.

Angeline Quinto, inulan ng pagbati sa kanyang bagong video kung saan kita ang kanyang baby bump
Angeline Quinto, inulan ng pagbati sa kanyang bagong video kung saan kita ang kanyang baby bump
Source: Instagram

Unang ibinahagi ni Ogie Diaz ang balita tungkol sa pagbubuntis ni Angeline, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kanyang kampo. Gayunpaman, nag-viral kamakailan ang isang video ng kanyang performance sa isang out-of-town show.

Read also

Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”

Sa kanyang pinakahuling post, ibinahagi ni Angeline ang kanyang pag-restock ng diapers para sa kanyang anak. Bumuhos ang mga pagbati at suporta mula sa kanyang mga tagahanga para sa bagong yugto niya bilang isang ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel