Francine Diaz at Clem Castro ng Orange and Lemons, nagkaharap at umano'y nagkaayos na
- Nagkaharap na muli sina Francine Diaz at Clem Castro ng Orange and Lemons
- Matatandaang kamakailan ay nagkaroon ng kontrobersya sa pagitan ng dalawa dahil sa isang event na sila ang panauhin
- Sa interview sa kanila ni MJ Felipe, nagkaroon ng pagkakataong magsalita ang magkabilang panig
- Naroon din ang event organizer na inamin din umano ang naging pagkukulang sa naturang pangyayari
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagkaroon na muli ng pagkakataong magkaharap sina Francine Diaz at Clem Castro ng Orange and Lemons.
Ito ay matapos na mag-viral ang isang eksena nila sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro kung saan sila ang mga panauhin.
Sa panayam sa kanila ni MJ Felipe ng ABS-CBN, nasabi ni Clem na siya umano ang agad na nakaisip na magkausap sila ng event organizer at ni Francine.
Aniya, napakabilis ng mga pangyayaring nakunan ng video at nai-post sa social media.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Gayunpaman, agad na nila itong inayos at pinag-usapan.
"The root of the problem is miscommunication. Even with the host, our management team, Francine's handler, the organizers so hindi lang nagtugma-tugma 'yung communication."
"She also apologized for what transpired. It was so fast so she was just doing what she thinks she supposed to do. So no judgment on that. 'Yun nga lang nagkaroon lang ng misunderstanding."
Dagdag pa ni Clem, magsilbing aral umano ang nangyaring ito sa kanila ni Francine sa mga susunod na events upang maiwasan na maganap pang muli sa ibang performers at artist tulad nila.
Samantala, maging si Francine ay miscommunication ang nakitang dahilan ng mga kaganapan sa entablado San Jose, Occidental Mindoro. Sa kabila nito, masaya siyang nagkaayos na sila ni Clem at sinabing napapag-usapan nila ang posibleng pagkakaroon ng proyekto na may kinalaman sa musika.
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
"Clearly, it's miscommunication and unorganized event. But okay naman po kami ni sir Clem also with my mom and si Ate Red hair. Okay naman na po. nagkaayos naman na. Pero nag-sorry rin po ako kay sir Clem kasi at that time, I wasn't thinking properly. Wala sa right state of mind ako, and I should've acknowledge them. Pero 'yun nga po because of intimidation hindi ko po alam ang gagawin ko. So kinausap ko nalang yung audience."
"Ito na 'yung peace and closure para sa lahat. Kasi okay naman na po sa amin. Sana ganun din sa lahat ng tao. Nag-apologize na po ako kay sir Clem kasi kahit hindi ko po intention na mang-disrespect, ganu'n po yung nangyari, ganu'n yung kinalabasan. But nagkaintindihan na po kami and okay na kami."
Narito ang kabuuan ng kanilang mga naging pahayag:
Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.
Kamakailan ay gumulantang sa publiko ang eksenang nakunan sa isang pagtitipon sa San Jose, Occidental Mindoro kung saan guest performers ang bandang Orange and Lemons at si Francine Diaz. Sa video, makikitang nagsi-set up na ang banda nang bigla umanong ipinakilala na ng host si Francine at umakyat na rin sa entablado. Umani ito ng samu't saring reaksyon.
Samantala, kamakailan din ay inulan ng kontrobersya si Francine dahil sa mga naging pahayag ni Jayda Avanzado ukol sa kanilang pagkakaibigan. Minsan na ring inamin ni Jayda na matagal na rin umano silang hindi nag-uusap ni Francine.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh