Cedric Lee at Deniece Cornejo, hinatulang guilty sa kasong serious illegal detention
- Nagkaroon ng update ukol sa kaso nina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at dalawa pang akusado
- Sila ay hinatulang guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro
- Ipinahayag ito ni Atty. Alma Mallonga, ang abogado ni Navarro ang tungkol sa naging hatol ng Taguig Regional Trial Court
- Agad na iniutos ng korte na ikulong si Cornejo, habang ipinag-utos naman ang pag-aresto kay Lee dahil hindi ito dumalo sa pagpapalabas ng hatol sa kaso
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hinatulang guilty si Cedric Lee, Deniece Cornejo, at dalawang iba pa sa kaso ng serious illegal detention na isinampa ni aktor-host Vhong Navarro. Nahatulan sila ng Taguig Regional Trial Court.
Sinabi ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, na inatasan ng korte si Cornejo na agad na ipakulong. Hindi dumalo si Lee sa promulgation at inatasan ng korte na arestuhin siya.
Inakusahan ni Navarro si Lee kaugnay sa pangyayari noong gabi ng Enero 22, 2014 sa isang condominium unit sa Taguig City, kung saan sinaktan raw siya ni Lee, kasama ang iba pa, at iniutos na patayin siya.
Dagdag pa ni Navarro, hiningian siya ni Lee ng hanggang P2 milyon kapalit ng kanyang paglaya at pumayag ang host na maglabas ng P1 milyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasama ni Lee sa kaso ang modelong si Deniece Cornejo, na nag-akusang ginahasa daw siya ni Navarro sa nasabing gabi. Ito ang alegasyon na ginamit ni Lee upang saktan si Navarro at pilitin siyang aminin ang panggagahasa kay Cornejo sa istasyon ng pulisya sa parehong gabi.
Ngunit, sa ipinakitang CCTV footage, sumakay si Cornejo sa elevator mula sa kanyang unit ng condo humigit kumulang isang minuto matapos sumakay si Navarro sa elevator papunta sa kanyang unit.
Nanatiling naninindigan ang kampo ni Navarro na imposibleng gahasain o subukan gahasain ni Navarro si Cornejo sa maikling panahon.
Ang iba pang akusado sa kaso ay sina Bernice Lee, Simeon Raz, Jr., Jose Paolo Gregorio Calma, Jed Fernandez, at Ferdinand Guerrero.
Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.
Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.
Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh