Dani Barretto, nilinaw ang kondisyon ni Millie: "She hasn't been diagnosed under the spectrum"

Dani Barretto, nilinaw ang kondisyon ni Millie: "She hasn't been diagnosed under the spectrum"

- Nagbigay linaw si Dani Barretto kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang 4-taong gulang na anak na si Millie

- Sinabi niyang hindi raw autistic ang kanyang anak na si Millie, kahit mayroon itong speech disorder

- Inilarawan ni Dani na aktwal na sumasailalim si Millie sa ilang sesyon ng therapy

- Unti-unti na raw itong nakakapagsalita kahit papaano, hindi tulad noong mga nakaraang taon

Nilinaw ni Dani Barretto na hindi na-diagnose ang anak na si Millie ng autism. Gayunpaman, meron daw itong speech disorder.

Dani Barretto, nilinaw ang kondisyon ni Millie: "She hasn't been diagnosed under the spectrum"
Dani Barretto, nilinaw ang kondisyon ni Millie: "She hasn't been diagnosed under the spectrum"
Source: Instagram

"She hasn't been diagnosed under the [autism] spectrum, ang diagnosis pa lang sa kanya is [a] speech disorder, if I'm not mistaken," ang pahayag ni Dani sa isang panayam na binahagi ni Philippine Star.

Inilarawan ni Dani na aktwal na sumasailalim si Millie sa ilang sesyon ng therapy at sa awa ng Diyos, unti-unti na raw itong nakakapagsalita kahit papaano, hindi tulad noong mga nakaraang taon.

Read also

Jackie Forster, ibinida ang husay sa pagkanta ng anak na si Caleigh

"There are more words now, we're working on more sentences, so day by day, lumalabas na 'yung voice niya," ani Dani.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Idinagdag pa niya na maswerte raw siya dahil hindi mahirap alagaan ang kanyang anak, lalo na sa pagpapakain.

"Baby pa lang siya until now, hindi ako nahirapan. Kahit ano pakainin mo, kahit ano painumin mo sa kanya,"

Si Dani Barretto ay anak ni Marjorie Barretto at dati nitong karelasyong si Kier Legazpi. Isa siyang kilalang social media influencer at vlogger. Apat ang kanyang kapatid sa kanyang ina; sina Julia, Claudia, Leon, and Erich. Ikinasal siya sa kanyang longtime boyfriend na si Xavi Panlilio.

Kamakailan ay ikinatuwa ni Dani ang muling pagkikita nila ng malapit na kaibigang si Bela Padilla. Sa kanyang post ay binahagi niya na habang nasa Pilipinas si Bela ay susubukan niyang mapawi ang mga panahong hindi sila nagkasama matapos pumunta ng London ang kaibigan. Pansamantala lang si Bela sa bansa nang ma-promote siya kamakailan ng pelikula nila.

Read also

Bobby Ray Parks kay Bia: "Thank you for giving us a reason to smile every single day"

Nitong nakaraang Mother's Day ay isang madamdaming pagbati ang binahagi ni Dani para sa inang si Marjorie. Inihingi niya ng dispensa ang katigasan ng ulo niya noon. Pinuri niya rin ang ina sa sakripisyo nito sa pagpapalaki niya at pagtataguyod sa kanilang magkakapatid nang mag-isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel