Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D

Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D

- Nangangailangan umano ng tulong ang komedyanteng si Dagul

- Ayon sa anak nito, dalawang linggo na siyang nasa ospital

- Patuloy na mino-monitor ang kanyang kalagayan gayung isa sa tinitingnan sa kanya ay ang paglaki ng kanyang puso

- Nahihiya at ayaw umanong kung kani-kanino nanghihingi ng tulong ang pamilya ni Dagul kaya naman minabuti ni Ogie na isapubliko ang kalagayan ng komedyante

Kasalukuyang nasa ospital ang komedyanteng si Dagul Pastrana. Isa ito sa natalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update ngayong Abril 28.

Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D
Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D (@dagulpastrana)
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, dalawang linggo na umano sa ospital si Dagul ayon sa anak nito.

"Huling nabalitaan natin, si Dagul ngayon ay naka-confine sa Philippine Heart Center. Kung saan, in fairness naman tinutulungan naman siya ng mga senador na mga kakilala niya.... Pero hindi naman lahat ay kayang tugunan ng guarantee letter. So kailangan pa rin nila ng pondo para sa paggaling ni Dagul," ani Ogie.

Read also

Ogie Diaz: "Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay din ito ng detalye kung ano ang karamdaman ng dating komedyante sa Goin' Bulilit.

"Ang kanyang lungs ay may clot. At chini-check pa ang kanyang heart kasi nga medyo lumalaki yung kanyang heart. So, heart enlargement ito at nagka-pneumonia pa siya."

Kaya naman sa pahintulot ng pamilya ni Dagul, isinapubliko na ito ni Ogie upang iparating sa mga may mabubuting puso na bukal sa kalooban ang pagtulong.

"Dahil nahihiya nga yung pamilya na kung kani-kanino humingi ng tulong"

Hiling ni Ogie ang paggaling ng dating komedyante at ibinahagi rin niya kung saan maaring magpadala ng tulong.

"Sana ay gumaling ka Dagul, para sa iyong mga anak, para sa pamilya mo."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Romy Pastrana ay mas kilala sa kanyang screen name na Dagul. Na-discover siya ng singer-host na si Randy Santiago. Si Santiago din ang nagbansag sa kanya ng "Dagul" na kadalasang nangangahulugang mataas o malaking tao na kabaliktaran ng kanyang tangkad.

Read also

Ogie, natikman na ang Diwata Pares Overload: "Kaya naman pala dinadayo si Diwata"

Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Isprikitik, Walastik Kung Pumitik (1999) at Juan & Ted: Wanted (2000). Nakasama din siya sa comedy sitcom na Kool Ka Lang (2001).

Isa siya sa naging regular na cast ng Goin' Bulilit. Siya lamang ang nagtagal doon hindi kagaya sa ibang mga cast na mga bata na kailangang grumaduate kapag dumating na sa tamang gulang.

Kung walang trabaho sa command center ng baranggay nila kung saan siya ang head, nagbabantay umano si Dagul ng kanilang munting tindahan sa kanilang bahay. Mabagal umanong magbigay ng sukli si Dagul dahil na rin sa kanyang kalagayan at sumasakit na rin umano ang kanyang tuhod. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Dagul na maging kapaki-pakinabang pa rin sa kanilang bahay. May trabaho man at tindahan, hindi sapat ang kanilang kinikita para mabayaran ang pagkakautang nila sa paaralan ng anak.

Emosyonal na sinalaysay ni Dagul Pastrana ang kanyang kalagayan matapos ang pagtigil niya sa Goin' Bulilit. Hindi niya napigilang maiyak dahil nanghinayang siya sa anak niya na mataas ang pangarap sa buhay. Gayunpaman, dahil sa hirap ng buhay ay nanganganib itong hindi na makapagtapos ng kanyanng Grade 12. Ang anak niyang si Jkhriez Pastrana ay may kondisyon na kagaya sa kanyang ama kaya ito umano ang iniisip ni Dagul dahil sa maaring kakaharapin nitong hirap sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica