Ogie, natikman na ang Diwata Pares Overload: "Kaya naman pala dinadayo si Diwata"

Ogie, natikman na ang Diwata Pares Overload: "Kaya naman pala dinadayo si Diwata"

- Natikman na ni Ogie Diaz ang pinag-uusapang Diwata Pares Overload

- Ito ay matapos niyang maibahagi sa naunang episode ang naging komento ng kanyang kaibigan

- Ayon sa kaibigang unang nakakain ng pares ni Diwata, hindi raw ito pasok sa kanyang panlasa

- Samantala, para nasabi naman ni Ogie na ang mga katagang 'kaya naman pala dinadayo si Diwata' matapos matikman ang mga produkto nito

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang video ng mismong pagkain niya ng Diwata Pares Overload.

Ogie, natikman na ang Diwata Pares Overload: "Kaya naman pala dinadayo si Diwata"
Ogie, natikman na ang Diwata Pares Overload: "Kaya naman pala dinadayo si Diwata" (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Youtube

Matapos kasi umano siyang ma-bash ng ilan nang maisapubliko niya ang umano'y komento ng kanyang kaibigan na una nang nakakain ng pinag-uusapang pares ni Diwata.

Ayon kasi sa kanyang kaibigan, hindi raw ito pasok sa kanyang panlasa.

Gayunpaman, muling pinaalalahanan ni Ogie ang mga basher na sana'y pinanood nito ang naturang episode kung saan nabanggit din naman niya ang suporta kay Diwata na patuloy na umaasenso ang negosyo.

Read also

Diwata, naikwentong tauhan na niya ngayon ang umano'y nanaksak sa kanya noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"'Di naman namin pinapatay ang ano, ang pangarap ni Diwata," ani Ogie.

Una niyang tinikman ang sabaw at sumunod ang laman ng pares.

"Okay naman. Hindi rin ganun ka-fabulous. Pero okay na for 100 pesos.For 100 pesos, okay naman siya. Pero may mga kaibigan tayo na hindi pasok sa panlasa nila"

"Pero sa'kin, kesa pumila ako dun sa pagkahaba-haba napakainit pa ng panahon, nagpabili na lang ako. In fairness, masarap pa rin naman yung sabaw kasi mainit pa rin yung sabaw," pagpapatuloy pa niya.

Tanong ni Mama Loi, "so pasok sa panlasa ni Ogie Diaz?" "Oo!" sagot naman ni Ogie,

Sunod niyang tinikman ang isa sa mga bagong produkto ni Diwata ang kanyang 'siken joy'

"Kaya naman pala dinadayo si Diwata," ani Ogie.

"Kung iaayon mo sa presyo, 'wag ka nang maarte dahil masarap na siya for 100"

Read also

Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D

Kaya naman biniro pa niya si Diwata na, "Ngayon ang tanong, kumikita ka pa ba Diwata?"

Binati niyang muli si Diwata sa tagumpay na tinatamasa ng negosyo nito.

"Diwata, Congratulations! Sana magtuloy-tuloy ang negosyo mo."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Matatandaang nagbigay ng mensahe si Diwata sa kanyang mga bashers na nagsasabi ng hindi kagandahang mga salita tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkaing kanyang inihahanda at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers na ito. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinikayat silang linilisin ang ugali ng mga ito. Aniya simple lang ang kanyang layunin at ito ay ang makabangon sa kahirapan.

Read also

Diwata, nagreact sa komento ni Ogie Diaz kaugnay sa kanyang pagkain

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel