Fans ni Kris Aquino, natuwa na sa bagong video na binahagi ni Mayor Vilma Caluag

Fans ni Kris Aquino, natuwa na sa bagong video na binahagi ni Mayor Vilma Caluag

- Nagbahagi ng video si San Fernando, Pampanga Mayor Vilma Caluag kung saan makikita si Kris Aquino at Bimby

- Base sa video, kuha ito sa Amerika kung saan nagdiwang ng kanyang ika-17 kaarawan si Bimby

- Sa naturang video ay mas masiglang Kris ang nakita at ikinatuwa ito ng kanyang mga tagahanga

- Makikitang nagkukuwento si Kris tungkol sa pagkakaibigan nila ni Mayor Vilma

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagahanga ni Kris Aquino na masilayan si Kris sa isang video ni San Fernando, Pampanga Mayor Vilma Caluag.

Fans ni Kris Aquino, natuwa na sa bagong video na binahagi ni Mayor Vilma Caluag
Fans ni Kris Aquino, natuwa na sa bagong video na binahagi ni Mayor Vilma Caluag
Source: TikTok

Sa nasabing video, makikitang kasama si Kris Aquino at ang kanyang anak na si Bimby, na kuha sa Amerika kung saan nagdiriwang ang binata ng kanyang ika-17 kaarawan.

Ang naturang video ay agad na nag-viral sa social media. Marami sa kanyang tagahanga ang masaya na makita siyang mas masigla.

Read also

Maxene Magalona, nagbahagi ng video kasama ang rumored boyfriend

Sa kabila ng mga hamon at pagsubok na kinakaharap ni Kris Aquino sa kanyang kalusugan, lubos na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga ang makitang nakangiti si Kris sa naturang video.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa rito, kitang-kita sa video na ito ang matamis na pagkakaibigan nina Kris Aquino at Mayor Vilma Caluag. Nagbahagi rin si Kris ng kuwento tungkol sa kanilang pagkakaibigan.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.

Read also

Vice Ganda sa kanyang transformation: "Gandang di mo inakala"

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel