Maxene Magalona, nagbahagi ng video kasama ang rumored boyfriend

Maxene Magalona, nagbahagi ng video kasama ang rumored boyfriend

- Binahagi ni Maxene Magalona ang isang video kasama ang isang lalaki na sinasabing ksalukuyang karelasyon niya

- Walang direktang pag-amin si Maxene ngunit makikita sa video na binahagi niya ang kanilang pagiging malapit

- Makikitang nakaangkas si Maxene sa motor na minamaneho nito at kasama pa niya itong mag yoga

- Bumuhos naman ang pagbati kay Maxene lalo at matagal itong hindi nakakapag-post tungkol sa buhay pag-ibig niya mula nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa

Ibinahagi ni Maxene Magalona sa kanyang social media account ang isang video kasama ang isang lalaking pinaghihinalaang karelasyon niya. Bagaman walang direktang pag-amin mula kay Maxene, makikita sa video ang kanilang masayang samahan at malapit na ugnayan.

Maxene Magalona, nagbahagi ng video kasama ang rumored boyfriend
Maxene Magalona, nagbahagi ng video kasama ang rumored boyfriend
Source: Instagram

Sa nasabing video, makikitang nakaangkas si Maxene sa motorsiklo na minamaneho ng lalaki. Pinakita din ni Maxene ang video clip kung saan sila ay parehong nagyoyoga.

Read also

Vice Ganda sa kanyang transformation: "Gandang di mo inakala"

Bagama't walang tuwirang pagpapahayag mula kay Maxene tungkol sa kanilang relasyon, ang naturang video ay nagdulot ng mga reaksiyon mula sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Ang pagbati at pagmamahal ay bumuhos para kay Maxene, lalo na't matagal na siyang hindi nagpo-post tungkol sa kanyang buhay pag-ibig mula nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Maxene Magalona ay isang aktres sa Pilipinas na anak ng sikat na rapper na si Francis Magalona. Kapatid niya ang aktor na si Elmo Magalona at ang social media personality na si Saab Magalona. Mayo ng taong 2020 nang isapubliko niya ang tungkol sa kanyang mental illness.

Naibahagi kamakailan ni Maxene kung ano ang kanyang pagkakaparehas at pagkakaiba sa kanyang sarili noon at sa kasalukuyan. Aniya, naniniwala siyang hindi tama na itatwa niya ang nakaraan niya dahil makakapigil umano ito sa pagpapabuti niya sa sarili. Aniya, ang pagtanggap sa kanyang nakaraan ay susi sa pagpapalaya ng mga negatibong enerhiya. Paraan din umano ito upang maisaayos ang anumang hindi magandang ugali.

Read also

Alex Gonzaga, pinarinig ang pagkanta ni Mikee Morada ng 'Asoka trend': "LSS sya"

Sa gitna ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ng umano'y problema ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, isang makahulugang post ang binahagi niya. Ito ay mula sa Instagram page na @the_higher_self_'s page. Tungkol ito sa hindi na kailangan pang ipaliwanag ang sarili sa ibang tao. Sa naturang quote ay nakasaad na kung hindi naman naiintindihan ng ibang tao ay ayos lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel