Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, ipagpapaliban muna ang kasal

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, ipagpapaliban muna ang kasal

- Napagpasyahan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na ipagpaliban na muna ang kanilang kasal

- Balak sana raw nilang magpakasal ngayong taon at para sana ito sa nanay ni Andi na si Jaclyn Jose

- Hindi pa rin siya nakaka-recover pati na ang kanyang pamilya sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn

- Nais daw ng dalawa na bigyang-pansin muna ang kanilang pagluksa sa pagkawala ng pinakamamahal na ina bago sila muling magplano tungkol sa kanilang dream wedding

Sa gitna ng pagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose, nagdesisyon ang engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na huwag munang ituloy ang kanilang pagpapakasal.

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, ipagpapaliban ang muna ang kasal
Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, ipagpapaliban ang muna ang kasal
Source: Instagram

Ayon kay Andi, nauna na nilang plano na ganapin ang kanilang kasal ngayong taon ngunit dahil sa pangyayaring ito, napagpasyahan nilang ipagpaliban muna ang kanilang mga plano at bigyan ng panahon ang kanilang sarili upang makapagluksa.

Read also

Luis Manzano, pinasilip ang update sa pinapagawang bahay

“Honestly, we wanted to get married this year. But under the circumstances, we decided to wait a bit. It was suppose to be for mom,” pahayag ni Andi sa isang panayam sa kanya ng members of the showbiz press sa Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines noong nakaraang Biyernes.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang paghihinagpis ni Andi at ng kanyang pamilya sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn dahil sa cardiac arrest.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“Slowly, I hope I will get there. But I know she is proud, she loves me, and her grandchildren so I will focus on the good things, and my family,” sabi ni Andi.

Sa kabilang banda, sinabi ni Andi na unti-unti nang nauunawaan ng kanyang mga anak ang pagkawala ng kanilang lola, at sa paglipas ng panahon, umaasa siyang makakabangon sila mula sa lungkot na dulot ng pagkawala ng minamahal nilang lola.

Read also

Elha Nympha, umalma sa umano'y 'pang-aatake' ng fans ni Francine Diaz

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ng ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel