Luis Manzano, pinasilip ang update sa pinapagawang bahay

Luis Manzano, pinasilip ang update sa pinapagawang bahay

- Nagbahagi si Luis Manzano ng panibagong vlog upang ipakita ang update sa pinapagawa nilang bahay kasama si Jessy Mendiola at Anak na si Peanut

- Ipinakita ng host ang isang rendered look ng kanilang bagong tahanan, na inaasahang may tema ng puti at kape

- Pinasilip niya ang espasyong inilaan para sa living area, isang indoor garden at gym, kung saan nagbibiro pa siya tungkol sa pagdaragdag ng welding at construction station sa loob

- Maliban sa dining room, ipinakita rin ni Luis ang under-construction na anim-na-talampakang pool na magkakaroon din ng sun bed

Ibinahagi ni Luis Manzano, ang host ng I Can See Your Voice, ang ilang mga update tungkol sa kanilang bagong tahanan kasama ang kanyang asawang si Jessy Mendiola at anak na si Isabella Rose, o mas kilala bilang Peanut.

Luis Manzano, pinasilip ang update sa pinapagawang bahay
Luis Manzano, pinasilip ang update sa pinapagawang bahay
Source: Youtube

"Ito yung update na medyo nakatayo at madaling i-visualize," bahagi ni Luis habang pinapakita ang bahagi ng kanilang bahay na kasalukuyang ginagawa.

Read also

Camille Prats, binati ang stepson na si Ice Yambao

Ipinakita ng host ang isang rendered look ng kanilang bagong tahanan, na inaasahang may tema ng puti at kape.

Una, naglakad si Luis sa paligid ng pangunahing pasukan, paradahan, at receiving room ng kanilang bahay kasama ang head engineer.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa excitement, nangarap din si Luis tungkol sa mga kaganapan na kanyang gagawin sa kanilang TV room, kusina, at dining area sa hinaharap.

"Plano ko kasi kapag nabuo ko na yung bahay, ang dining natin, gabi-gabi, ang guest natin kulang na ang 96," biro niya. "Ay 10 lang ba? 96 na ang naimbitahan ko na."

Maliban sa dining room, ipinakita rin ni Luis ang under-construction na anim-na-talampakang pool na magkakaroon din ng sun bed.

"Ang sinasabi sa feng shui ko, kami ni Howhow (Jessy), na ang nire-request ko sa inyo 'yon, na ang ulo namin ay facing South… Para kumbaga yung swerte namin facing South," bahagi niya.

Read also

Brenda Mage, ibinida ang picture kasama ang afam: "Dito ko lang pala sya mahahanap sa Singapore"

Panuorin ang kabuoan ng video dito:

"Ito ay tungkol sa pagpapatayo ng isang tahanan. Ayun na, alam niyo na lahat ng nandoon, lahat ng nilagay niyo, may layunin, may kahulugan, at higit sa lahat, gumigising kayo na totoong pinaghirapan niyo kung saan kayo nakatira, bahay, condo o kung ano pa man basta pinaghirapan niyo. I-appreciate niyo," aniya.

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Diwata, inaresto dahil sa kasong slight physical injuries

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel