Boy Tapang, nag-sorry sa BSP matapos gumawa ng saranggola gamit ang pera

Boy Tapang, nag-sorry sa BSP matapos gumawa ng saranggola gamit ang pera

- Kinausap si Boy Tapang ng mga taga Bangko Sentral ng Pilipinas dahil sa video niya kung saan gumawa siya ng saranggola gamit ang perang papel

- Humingi siya ng paumanhin sa BSP at sa kanyang viewers at followers

- Aniya, hindi niya intensiyon na paglaruan ang pera at naisip lamang daw niyang kakaiba kapag gawa sa pera ang saranggola

- Payo niya sa mga nanonood sa kanya, pahalagahan ang pera at huwag paglaruan

Matapos ang kontrobersiyal na video kung saan ipinakita ni Boy Tapang ang paggawa ng saranggola gamit ang perang papel, kinausap siya ng mga kinatawan mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Boy Tapang, nag-sorry sa BSP matapos gumawa ng saranggola gamit ang pera
Boy Tapang, nag-sorry sa BSP matapos gumawa ng saranggola gamit ang pera
Source: Facebook

Humingi ng paumanhin si Boy Tapang sa BSP, pati na rin sa kanyang mga tagasubaybay at followers.

Ayon kay Boy Tapang, hindi niya intensiyon na paglaruan ang pera sa kanyang ginawang video. Ipinahayag niya na naisip lamang niya na kakaiba at nakakatuwa ang ideya ng paggawa ng saranggola gamit ang pera, ngunit hindi niya inaasahan na magiging sanhi ito ng kontrobersiya at maaaring mamis-interpret ng ilan.

Read also

Cianne Dominguez, nagbahagi ng bagong post matapos ang pinagdaanan

Sa kabila ng kanyang pagnanais na magbigay ng aliw sa kanyang mga manonood, ipinaunawa ni Boy Tapang na mahalaga pa rin na pahalagahan at igalang ang pera. Binigyang-diin niya na ang pera ay hindi dapat paglaruan o ipakita sa paraang nakakasama o hindi wasto.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bilang payo sa kanyang mga manonood, hinihikayat ni Boy Tapang ang lahat na pahalagahan ang bawat sentimo at huwag itong gamiting panglaro. Tinanggal na rin niya ang nasabing video mula sa kanyang mga social media platform bilang pagpapakita ng kanyang pagrespeto sa mga alituntunin at patakaran.

Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Read also

Brenda Mage sa kanyang bashers: "Ang daming galit sa ganda ko. Balakayojan"

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humakot ito ng 10M views sa loob lamang ng isang araw. Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online. Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate