Ivana, nagkunwaring sampaguita vendor; namahagi ng x1000 na biyaya sa mga bumili

Ivana, nagkunwaring sampaguita vendor; namahagi ng x1000 na biyaya sa mga bumili

- Muli na namang namahagi ng biyaya si Ivana Alawi

- Sa kanyang pinakabagong vlog, nagpanggap siya na isang tindera ng sampaguita

- x1000 ang binibigay niyang pera sa kung magkano ang ibinayad sa kanya

- Halos hindi makapaniwala ang kanyang nabiyayaan na tunay na kahanga-hanga ang busilak na kalooban

Namahagi muli ng blessings si Ivana Alawi sa kanyang pinakabagong vlog.

Ivana, nagpanggap na tindera ng sampaguita; namahagi ng x10 na biyaya sa lahat ng bumili
Ivana, nagpanggap na tindera ng sampaguita; namahagi ng x10 na biyaya sa lahat ng bumili (Ivana Alawi)
Source: Youtube

Nag-ikot siya sa Antipolo at nagpanggap bilang isang tindera ng sampaguita.

Ang lahat ng bibili sa kanyang sampaguita, x 1000 ang kanyang ibinigay na biyaya. Kaya sa halagang sampung piso, nakatanggap ng Php10,000 ang may mabuting puso na bibili sa kanya.

Una niyang napagbentahan ang isang side walk vendor na huminto sa pag-aaral sa pagiging isa sanang pulis. Dala ng taas ng halaga sa pangmatrikula, napilitan daw umano siyang ipagpaliban ang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

At dahil sa Php20 ang binigay niya kay Ivana, napalitan ito ng Php20,000. Napaluha ang vendor na nagpakilalang si Nicks sa hindi inaasahang biyaya lalo na at talagang nangangailangan siya sa panahong iyon.

Mayroon naman na hindi na kinuha ang sampaguita ngunit binigyan pa rin siya ng Php kaya't tulad ni Nicks, nakatanggap din ito ng Php20,000.

Kahanga-hanga rin ang tricycle driver na binigyan pa si Ivana ng biscuit sa pag-aakalang malayo pa ang lalakbayin nito. Kaya naman laking gulat niya nang iabot ni Ivana ang Php10,000 dahil sa kabutihang puso nito. Nakilala rin niya si Ivana bilang nasa FPJ Batang Quiapo.

Narito ang kabuuan ng vlog na inspirasyon ang hatid lalo na at katatapos lamang na Semana Santa:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Melai Cantiveros, nakwentong naiyak ang anak sa gitna ng pagdarasal nito

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Kamakailan, nabanggit ni Ivanaang tungkol umano sa kanyang love life. "My Heart is happy," ayon pa kay Ivana. Gayunpaman, nais ni Ivana na panatilihin ang pagiging pribado nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel