Sabrina M, inalala si Rico Yan sa death anniversary nito

Sabrina M, inalala si Rico Yan sa death anniversary nito

- Nag-post si Sabrina M ng picture ng yumaong aktor na si Rico Yan bilang pag-alala sa kanya sa death anniversary nito

- Matatandaang pumanaw ang aktor noong March 29, 2002 sa Puerto Prinsesa sa edad na 27

- Sa ika-22 na taon ng pagpanaw ng aktor, isa lamang si Sabrina sa mga nag-post upang alalahanin si Rico

- Matatandaang naging usap-usapan ang sinabi ni Sabrina na naging karelasyon niya si Rico noon

Kabilang si Sabrina M. sa mga nag-post upang alalahanin ang yumaong aktor na si Rico Yan sa death anniversary nito. Nitong ika-29 ng Marso ay 22 taon na ang lumipas nang pumanaw ang aktor.

Sabrina M, inalala si Rico Yan sa death anniversary nito
Sabrina M, inalala si Rico Yan sa death anniversary nito
Source: Facebook

Kalakip ng sa kanyang post ay ang picture ni Rico at ang mensahe niya kaugnay sa pag-alala niya sa akto.

Remembering Rico Yan. 22nd death anniversary

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Kim Rodriguez, nakausap ni Ogie D; pinabulaanan ang isyu nila ni Marc Pingris

Matatandaang naging usap-usapan ang sinabi ni Sabrina na naging karelasyon niya si Rico noon,

Si Maricaren Pallasigue na mas kilala bilang si Sabrina M ay isang aktres sa Pilipinas noong 90's. Kamakailan, nagbabalik showbiz siya sa pelikulang "Manang." Nito lamang Hulyo 6, sa presscon ng naturang pelikula, ginulantang niya ang publiko sa umano'y rebelasyon tungkol sa naging relasyon nila ni Rico Yan. Sa kwento niyang ito, lumalabas na siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito namayapa. Bilang patunay, sinabi pa ni Sabrina na sa libing ng aktor, inabutan pa siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby para maisaboy sa kabaong ng aktor.

Maging si Cristy Fermin ay umalma sa umano'y rebelasyon kamakailan ni Sabrina M tungkol sa namayapang aktor na si Rico Yan. Ani Cristy, imposible ang sinasabing dalawang taong relasyon nina Sabrina at Rico gayung si Claudine ang huling nakarelasyon ng aktor. Kaugnay nito, inalala rin ni Cristy ang pagkakataong siya ang naging daan para makausap lang ni Claudine ang labi ni Rico. Ito ay dahil sa binawalan umano ng pamilya ng aktor na magtungo si Claudine sa burol nito.

Read also

Melai sa umano'y milagro sa kanya: "After two months, in Jesus name, nawala ang bukol"

Ayon kay Sabrina M, wala daw mangyayaring public apology kaugnay sa kanyang sinabi sa umano'y naging ugnayan nila ng yumaong aktor na si Rico Yan. Matatandaang pumalag ang kampo ni Claudine sa pahayag niyang ito at pinasinungalingan din ng isang kaibigan ni Sabrina ang tungkol sa umano'y relasyon nila noon. Matapos nga ang paglabas ng balita ay inihayag ng kampo ni Claudine ang plano ng kampo nila na magsampa ng kaso. Binigyan si Sabrina ng 72 hours ng abogado ni Claudine para mag-public apology at lumagpas na nga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel