Magulang ng baby sa concert ni JK Labajo, nagpaliwanag tungkol sa nangyari

Magulang ng baby sa concert ni JK Labajo, nagpaliwanag tungkol sa nangyari

- Nagpaliwanag ang magulang ng sanggol na dinala sa concert ni JK Labajo kamakailan na nag-viral

- Nilinaw nilang hindi dalawang buwan kundi walong buwan daw ang anak nila at sinabi daw nilang kasama na nito si JK mula ng 2 buwan pa lang ito

- Ayon sa ina ng sanggol, may kanta si JK na nagustuhan ng anak at nang hanapin niya ito ay saka napakinggan ng anak ang kantang Ere

- Nakakalma daw ang kanilang anak tuwing naririnig ang kanta ni JK

Nilinaw ng mga magulang ng sanggol na dinala sa concert ni JK Labajo na mag-wa-walong buwan na ito at hindi dalawang buwan. Sa panayam ng GMA News, nilinaw nilang dalawang buwan pa lamang ang baby nang nakakalma ito tuwing mapapakinggan ang kanta ni JK.

Magulang ng baby sa concert ni JK Labajo, nagpaliwanag tungkol sa nangyari
Magulang ng baby sa concert ni JK Labajo, nagpaliwanag tungkol sa nangyari
Source: Instagram
“Sabi ng netizens, 2 months lang yung baby namin. Hindi siya 2 months. Mag-8 months na siya."

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Kaya daw naging sagot ni JK ay 2 moths ay dahil sa sinabi ng ama ng bata sa kanya.

“2 months pa lang, kasama ka na nito!”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa ina ng sanggol, may kanta si JK na nagustuhan ng anak at nang hanapin niya ito ay saka napakinggan ng anak ang kantang Ere.

“Naalala ko iyong sinabi ng pedia sa akin na ‘music can soothe babies, music can calm them, can make them relax.’ So 'di ko naman in-expect na doon sa song na ‘yon ni JK, doon siya ma-re-relax. Every time na mag-pe-play ‘yon, napapansin kong tumatahimik siya,”

Si Juan Karlos Labajo o JK Labajo ay naging contestant sa sikat na talent competition na "The Voice Kids Philippines" noong 2014 kung saan siya ay naging runner-up. Pagkatapos ng kanyang paglahok sa The Voice, sumunod ang kanyang mga pagganap sa iba't ibang palabas at pelikula sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa pag-arte, si JK Labajo ay kilala rin sa kanyang mga awitin kagaya ng 'Buwan' at 'Ere'.

Read also

Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nag-aantay magkaanak: "Eto na malapit na"

Matatandaang binahagi ni Andrea Brillantes ang blooper sa kanyang TikTok video kung saan makikita ang kaibigan niyang si JK. Kinaaliwan ang reaksiyon ni JK na napahawak pa sa dibdib niya sa gulat nang biglang nag-tumbling si Andrea. Nagtawanan silang magkaibigan matapos mapansin ni Andrea ang reaksiyon ni JK. Samantala, umabot na sa 8 million views ang Tiktok video niya kung saan ginawa niya ang TikTok trend na 'Ba't malungkot ang beshy ko?'

Binahagi naman ni Moira Dela Torre ang video ng kanyang pagkanta ng awiting 'Ere' na pinasikat ni JK. Sa huling bahagi ng video ay makikitang mismong si JK ang tumutugtog ng gitara nang kumanta si Moira. Umani rin ng samu't-saring komento ang video na ito ni Moira lalo at mayroong bahagi ng kanta na pagmumura. Marami sa mga netizens ang nagsabing yung kay Moira ang tipo ng pagmumura na hindi masakit sa tenga dahil sa pagiging soft-spoken nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate