Claudine Barreto, namayat dahil dinamdam ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

Claudine Barreto, namayat dahil dinamdam ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

- Nabanggit ni Claudine Barretto na sobrang apektado pa rin siya sa pagpanaw ni Jaclyn Jose

- Hindi daw siya nakakatulog at nakakakain nang maayos dahil naiisip niya si Jaclyn na naging malapit sa kanya

- Pumayat daw siya at nabawasan ng 11 pounds ang kanyang timbang

- Hindi naman daw nagparamdam sa kanya si Jaclyn at gusto daw niya kahit mapanaginipan man lang niya ito

Apektado pa rin si Claudine Barretto sa pagpanaw ni Jaclyn Jose. Sa video na naibahagi sa YouTube channel ni Dondon Sermino, sinabi ni Claudine na 11 pounds ang nabawas sa kanyang timbang dahil hindi daw siya nakakakain at nakakatulog nang maayos.

Claudine Barreto, namayat dahil dinamdam ang pagpanaw ni Jaclyn Jose
Claudine Barreto, namayat dahil dinamdam ang pagpanaw ni Jaclyn Jose
Source: Youtube

Kinumpirma din ni Claudine na number niya ang nasa emergency contact ni Jaclyn ngunit hindi na siya natawagan nito.

Naiyak si Claudine nang tanungin siya kung nakapagparamdam daw ba sa kanya si Jaclyn. Hindi naman daw ito nagparamdam sa kanya at kahit daw sa panaginip ay makita niya ito.

Read also

Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas ang kanilang relasyon

First time daw niyang mag-eulogy at ito yung kay Jaclyn. Kahit sa daddy daw niya ay hindi daw niya ito nagawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel