Cristy, nahingan ng reaksyon ang aktres na ina umano ng isa pang anak ni Baron

Cristy, nahingan ng reaksyon ang aktres na ina umano ng isa pang anak ni Baron

- Natalakay ni Cristy Fermin ang mainit na rebelasyon kamakailan ni Baron Geisler

- Ito ay ang pagkakaroon ng isa pa niyang anak na babae na ngayo'y dalaga na

- Ayon kay Cristy, nakausap niya mismo ang aktres na ina umano ng sinasabing anak na ito ni Baron

- May pahintulot na umano'y maitawid sa publiko ang kanyang pahayag at pinagpasalamat ito ni Cristy

Nakausap ni Cristy Fermin ang umano'y ina ng ibinunyag kamakailan na anak ni Baron Geisler.

Cristy, sa umano'y ina ng panganay ni Baron: "Salamat dahil pinayagan mo akong magsalita"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Matatandaang isa ito sa napag-usapan sa interview ni Ogie kay Baron kamakailan.

Pinahintulutan umano ng ina ng sinasabing anak ni Baron si Cristy na maibahagi sa publiko ang kanyang reaksyon ukol sa interview.

"Wala akong alam. Wala na akong pakialam sa kanya. Hindi ko siya sinusundan, Hindi ko siya pina-follow. Mag-isa kong pinalalaki ang mga anak ko. Diyos lang ang katabi ko sa pagpapalaki sa kanila. Hindi ko alam kung ano 'yung sinasabi niya," pagbabahagi ni Cristy na ayon umano sa ina ng anak ni Baron na isa umanong aktres.

Read also

Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang pagtupad sa kanilang pinagkasunduan, hindi na pinangalanan pa ni Cristy kung sino ang aktres na ito.

"'Gusto ko lang magpasalamat sa aktres na nakausap ko. Maraming salamat dahil pinayagan mo akong magsalita tungkol sa isyung ito. Maraming salamat dahil sabi mo nga, wala ka nang panahon pa para i-entertain ang ganitong klase ng usapin ngayon dahil tahimik ka nang nagtatrabaho at napakaraming problemang iniwan sa'yo ng asawa mo. Inirerespeto namin yun. Unang-una yung pagrespeto sa loob ng 16 na taon. Siguro'y sobra pa sa sapat ng respetong hinihingi mo mula sa akin"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Rommel Chika at Wendell Alvarez mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Read also

Coco Martin, napuri ni Cristy Fermin; naihalintulad kay FPJ

Isa rin sa patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang Dollhouse. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga tao.

Matatandaang naging kontrobersyal si Baron bago matapos ang taong 2023 sa pag-aakala ng marami na nakainom itong nagtungo sa media con ng Senior High. Inalam ni Ogie Diaz kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita noon ang tungkol sa alcohol addiction ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel