Pokwang, matagal pa raw bago mapapatawad ang ex: "Never naman nag-sorry sakin yan"

Pokwang, matagal pa raw bago mapapatawad ang ex: "Never naman nag-sorry sakin yan"

- Nakapanayam ni Aiko Melendez si Pokwang at natanong kay Pokwang kung sa tingin niya ay mapapatawad din niya ang taong nakasakit sa kanya at sa mga anak niya

- Ani Pokwang, sa tingin niya ay matagal pa siguro bago mangyari iyon dahil aniya ay never naman daw nag-sorry sa kanya yun

- Sa loob daw ng anim na taon ay hindi kailanman nag-sorry sa kanya ang taong ito

- Dito na hindi napigilan ni Pokwang ang kanyang emosyon at hindi nito napigil ang kanyang pag-iyak

Nabanggit ni Pokwang sa vlog ni Aiko Melendez na sa tingin niya ay matagal pa bago siya makapagpatawad sa taong nakasakit sa kanya at sa mga anak niya. Aniya, sa loob ng anim na taon ay never daw itong nag-sorry sa kanya.

Pokwang, matagal pa raw bago mapapatawad ang ex: "Never naman nag-sorry sakin yan"
Pokwang, matagal pa raw bago mapapatawad ang ex: "Never naman nag-sorry sakin yan"
Source: Youtube

Sa bahaging ito ng panayam ni Aiko ay hindi na napigilan ni Pokwang ang kanyang emosyon at naiyak na siya.

Read also

RR Enriquez sa nagkomentong takot siya magka-anak: "You do you. I do me"

Naitanong daw sa kanya ng ex kung ano ba ang dapat niyang ihingi ng tawad. Sagot naman ni Pokwang, dapat ay mag-sorry ito sa nanay niya na kahit ayaw daw nito sa ex niya ay inilaban niya.

Mag-sorry din daw siya sa anak niyang si Mae na na-itsapwera nang pumasok siya sa buhay nila at maging sa anak nilang si Malia dahil hindi niya nagawa ang dapat gawin ng isang ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Read also

RR Enriquez, rumesbak sa nagsabing manahimik na lang sya: "Mas may laman utak ko sayo"

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong taong 2022 umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel