RR Enriquez sa nagkomentong takot siya magka-anak: "You do you. I do me"

RR Enriquez sa nagkomentong takot siya magka-anak: "You do you. I do me"

- Sinagot ni RR Enriquez ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post tungkol sa kanyang reaksiyon sa pagkakakulong sa driver ng isang sasakyan na sinalpok ng motor na nag-counter-flow

- Ayon sa naturang netizen, ang tanda na raw ni RR pero wala pa rin siyang anak dahil tako daw siyang masira ang kanyang katawan at mag-alaga ng bata

- Sagot naman ni RR, huwag itong makialam sa gusto niyang gawin kung mag-anak siya o hindi

- Matatandang inamin ni RR na ayaw niyang magkaanak at naiintindihan naman daw iyon ng kanyang partner

Sinagot ni RR Enriquez ang isang netizen na nagkomento tungkol sa desisyon niyang huwag magkaanak. Ayon sa naturang netizen, ang tanda na raw ni RR pero wala pa rin siyang anak dahil tako daw siyang masira ang kanyang katawan at mag-alaga ng bata.

RR Enriquez sa nagkomentong takot siya magka-anak: "You do you. I do me"
RR Enriquez sa nagkomentong takot siya magka-anak: "You do you. I do me"
Source: Instagram

Ani RR, huwag pakialaman ang kanyang trip at wala siyang pakialam sa kung anong gustong gawin ng naturang commenter.

Read also

Cita Astals, nilinaw ang tungkol sa kumalat na picture niya noon

Huwag ka makialam sa trip ko Mag alaga ka ng anak or magpabuntis ka ng mag pabuntis I don’t care. You do you. I do me

Matatandang inamin ni RR na ayaw niyang magkaanak at naiintindihan naman daw iyon ng kanyang partner.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

RR Enriquez sa nagkomentong takot siya magka-anak: "You do you. I do me"
RR Enriquez sa nagkomentong takot siya magka-anak: "You do you. I do me"
Source: Instagram

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Read also

Melai Cantiveros, nawindang sa dahilan ng pag-iyak ni Stela dahil may naisip daw syang masama

Kabilang si RR Enriquez sa mga personalidad na naghayag ng kanilang saloobin kaugnay sa nag-viral na resort na tinayo sa Chocolate Hills sa Bohol. Para sa kanya, wala naman daw masama sa ginawa nila lalo kung makakatulong daw ito sa turismo ng bansa. Gayunpaman, aniya ay hindi lang maganda ang pagkakagawa ng naturang resort kaya aniya ay sana paglaanan ng budget para mapaganda. Isa-isa namang sinagot ni RR ang mga sumalungat sa kanyang opinyon tungkol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel