Bea Alonzo, napansin ng netizens na suot muli umano ang engagement ring kay Dominic

Bea Alonzo, napansin ng netizens na suot muli umano ang engagement ring kay Dominic

- Napansin umano ng netizens na tila suot muli ni Bea Alonzo ang engagement ring kay Dominic Roque

- Sa naturang post din, marami ang natuwa nang pusuan ni Dominic ang larawang ito ni Bea

- Matatandaang minsan nang naiulat nina Jobert Sucaldito na sa isang interview kay Dominic, tila narinig ang boses ni Bea

- Naibahagi rin ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanya na nagpupunta na umano si Dominic kay Bea

Mabilis na napansin ng netizens na tila suot na muli ni Bea Alonzo ang kanya umanong engagement ring kay Dominic Roque.

Bea Alonzo, napansin ng netizens na suot muli umano ang engagement ring kay Dominic
Bea Alonzo and Dominic Roque
Source: Instagram

Sa promotional ad ng BASH, una agad na napansin ng netizens ang umano'y engagement ring na nasa daliri na muli ni Bea.

Gayunpaman, may ilang mga nagsasabing maaring kuha ang larawan bago pa man sumiklab ang anunsiyo nina Bea at Dominic sa kinahinatnan umano ng kanilang engagement.

Read also

John Prats, nag-post ng picture kasama sina Sam Milby at Catriona Gray

Subalit sinasabi ng netizens na sakaling matagal nang isinagawa ang naturang photoshoot, inaprubahan pa rin umano ito ni Bea para isapubliko sa kabila ng posibilidad na makita nga ang naturang engagement ring.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila nito, patuloy pa ring naging positibo ang kanilang fans na tila nagkaayos na ang dalawa nang mapansin din nilang napusuan ni Dominic Roque ang naturang post ng larawan ni Bea sa Instagram.

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Matatandaang minsang naibahagi ni Ogie Diaz ang nakarating umano sa kanya mula sa isang source na nagtutungo na si Dominic sa bahay ni Bea Alonzo. Nabanggit din niya ang una nang naibalita ng showbiz reporter na si Jobert Sucaldito tungkol umano sa interview kay Dominic na tila narinig 'di umano ang boses ni Bea Alonzo na animo'y kasama nito.

Read also

Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight, tabi parin tayo matulog"

Pebrero 11 nang naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel