Coco Martin, napansing malungkot si Jaclyn Jose sa mga huling eksena nito

Coco Martin, napansing malungkot si Jaclyn Jose sa mga huling eksena nito

- Nakwento ni Coco Martin na wala naman silang napapansing may iniindang karamdaman si Jaclyn Jose

- Binalikan niya ang huling eksena nila ni Jaclyn kung saan nagpaalam daw ang karakter ni Coco kay Chief Espinas

- Nang panuorin daw ni Coco ang mga huling nakunang eksena nito, kapansin-pansin daw ang lungkot ni Jaclyn

- Sa set daw nila matapos ang pagpanaw ni Jaclyn ay tahimik silang lahat at sobrang lungkot daw

Nabahagi ni Coco Martin na wala naman silang napansin na may iniindang sakit si Jaclyn Jose. Sa YouTube channel ni Melba Llanera, nasabi ni Coco na napansin daw nila na iba ang lungkot nito sa mga huling eksenang nakunan sa kanya.

Coco Martin, napansing malungkot si Jaclyn Jose sa mga huling eksena nito
Coco Martin, napansing malungkot si Jaclyn Jose sa mga huling eksena nito
Source: Instagram

Sa set daw ay sobrang lungkot at mabigat para sa kanila ang pagkawala ni Jaclyn dahil alam nilang marami pa itong maiaambag sa industriya.

Ang huling eksena naman daw nila ay nang nagpaalam daw ang karakter ni Coco kay Chief Espinas sa FPJ's Batang Quiapo.

Read also

Brillante Mendoza, bumisita sa lamay ni Jaclyn Jose

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma' Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Matatandaang sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn. Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao. Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao.

Nagbabala si Jaclyn sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko. Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya. Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya. Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate