Brillante Mendoza, bumisita sa lamay ni Jaclyn Jose

Brillante Mendoza, bumisita sa lamay ni Jaclyn Jose

- Dumalaw si Brillante Mendoza sa lamay ng yumaong award-winning actress na si Jaclyn Jose

- Makikita sa video na binahagi ng ABS-CBN News na naroroon din si Coco Martin

- Niyakap nito ang naulilang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann at kapatid ni Jaclyn na si Veronica Jones

- Matatandaang nagkatrabaho sina Jaclyn at Brillante sa pelikulang Ma' Rosa na siyang nakapagbigay kay Jaclyn ng Best Actress award mula sa Cannes

Dumalaw ang batikang direktor na si Brillante Mendoza sa lamay ni Jaclyn Jose. Sa video na binahagi ng ABS- CBN News, makikitang naroroon din ang aktor na si Coco Martin.

Brillante Mendoza, bumisita sa lamay ni Jaclyn Jose
Brillante Mendoza, bumisita sa lamay ni Jaclyn Jose
Source: Instagram

Niyakap nito ang naulilang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann at kapatid ni Jaclyn na si Veronica Jones.

Matatandaang si Brillante ang direktor ng pelikulang Ma'Rosa na pinagbidahan ni Jaclyn kung saan pinarangalan siya bilang Best Actress sa Cannes.

Read also

Direk Bibeth Orteza, emosyonal na inalala ang kaibigang si Jaclyn Jose

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma' Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Matatandaang sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn. Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao. Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao.

Nagbabala si Jaclyn sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko. Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya. Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya. Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel