Mavy Legaspi, nagbigay-pugay sa TP staff: "We did not fail, we just ran out of time"

Mavy Legaspi, nagbigay-pugay sa TP staff: "We did not fail, we just ran out of time"

- Nagbahagi si Mavy Legaspi ng mensahe bilang pagbigay-pugay sa staff, crew at kanyang Tahanang Pinakamasaya family

- Aniya, naging mas mabuting tao siya dahil sa kanyang mga nakasama sa naturang show

- Pinagdasal niya ang mga staff at crew ng TP na aniya ay nagtatrabaho at nagpapakahirap araw-araw

- Kalakip ng kanyang mensahe ay ang picture nila kasama ang mga co-hosts niya at mga taong nasa likod ng camera

Nagbahagi ng mensahe si Mavy Legaspi lalo na para sa staff at crew ng Tahanang Pinakamasaya. Sa kanyang post ay nagbigay-pugay siya sa mga staff at crew na aniya ay nagpapakahirap araw-araw.

Mavy Legaspi, nagbigay-pugay sa TP staff: "We did not fail, we just ran out of time"
Mavy Legaspi, nagbigay-pugay sa TP staff: "We did not fail, we just ran out of time"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ani Mavy, dahil sa mga taong ito ay naging mas mabuting tao siya.

Because of them, i became a stronger person, a better colleague, a better host, a better son to my parents, a better brother to my twin and a better child of God… pwede ko na bang idagdag na better joker? mas magaling na ba ako mag joke? okay maybe not, still corny.

Read also

Sylvia Sanchez, nagbahagi ng birthday message para kay Maine: "Love you, my daughter!"

Hiling niya na maging maayos ang lagay ng mga staff at crew at ang kanilang pamilya.

Lord, please do bless the staff & crew that worked so hard day in & day out every single day. they are our show. This show was always about them. please do take care of them and their respective families.

Dagdag pa niya, hindi sila nabigo kundi naubusan lang ng oras.

This was always about love & support- making a living. we did not fail, we just ran out of time… but that’s what they think. goodbye? nope, more like good-HELLO. okay ang panget… but, we will see you SOON.

Si Mavy Legaspi ang isa sa kambal na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Kabilang silang dalawa ng kanyang kakambal na si Cassy Legaspi sa mga host ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya na umeere sa GMA-7 bilang kapalit ng Eat Bulaga matapos nitong lumipat sa TV5.

Read also

Jaclyn Jose, nakatakda pa sanang manood ng sine kasama ang kaibigan ng March 3

Matatandaang usap-usapan ang isang video na kuha sa isang event kamakailan kung saan muling nagkasama sina Kyline Alcantara at Mavy. Sa naturang video ay may kasama silang isa pang host at kinailangan na nilang mag-exit. Nauna si Kyline sa pag-alis sa entablado at dinaanan lamang nito si Mavy at marami ang nakapansin na hindi nito siya nilingon. Hanggang sa kasalukuyan ay walang nilalabas na pormal na pahayag sina Mavy at Kyline kaugnay sa espikulasyong hiwalay na sila.

Samantala, sa isang ulat ng Inquirer.net, huling live airing daw ang March 2 episode ng "Tahanang Pinakamasaya". Ayon daw sa source ng Inquirer, replay ang ipapalabas ng naturang noontime show hanggang March 7. Wala pang nilalabas na pahayag ang pamunuan ng naturang show maging ang GMA-7. Gayunpaman, lumabas ang espikulasyon nang mamaalam na sa ere ang naturang show matapos ang episode nitong Sabado kung saan nagbahagi ng mensahe ng pasasalamat ang ilang hosts ng show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel