Tahanang Pinakamasaya, replay episodes ang ipapalabas hanggang March 7 ayon sa source ng Inquirer

Tahanang Pinakamasaya, replay episodes ang ipapalabas hanggang March 7 ayon sa source ng Inquirer

- Sa isang ulat ng Inquirer.net, huling live airing daw ang March 2 episode ng "Tahanang Pinakamasaya"

- Ayon daw sa source ng Inquirer, replay ang ipapalabas ng naturang noontime show hanggang March 7

- Wala pang nilalabas na pahayag ang pamunuan ng naturang show maging ang GMA-7

- Gayunpaman, lumabas ang espikulasyon nang mamaalam na sa ere ang naturang show matapos ang episode nitong Sabado kung saan nagbahagi ng mensahe ng pasasalamat ang ilang hosts ng show

Ang 'Tahanang Pinakamasaya' ay magpapalabas na lang daw ng replays hanggang March 7 ayon sa source ng Inquirer.net. Huling live airing na daw ang March 2 episode ng Tahanang Pinakamasaya.

Tahanang Pinakamasaya, replay episodes ang ipapalabas hanggang March 7 ayon sa source ng Inquirer
Tahanang Pinakamasaya, replay episodes ang ipapalabas hanggang March 7 ayon sa source ng Inquirer
Source: Youtube

Wala pa ring nilalabas na pahayag ang pamunuan ng show o di kaya ay ang TAPE. Gayunpaman, ang pagbabahagi ng mensahe nina Isko Moreno at Paolo Contis sa pagtatapos ng episode nitong Sabado ay naging palaisipan sa mga manonood.

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

Mayroon ding pag-bow ng lahat ng hosts sa pagtatapos ng show.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa ulat ng PEP, nag-react ang magkapatid na sina Jon-Jon at Bullet Jalosjos sa pag-resign ng TVJ at Dabarkads.

Sa ulat ng Inquirer.net, pinabulaanan ni Allan K ang isyung hindi umano nila pinapapasok ang TAPE executives sa mga dressing room ng mga hosts.

Ang Tahanang Pinakamasaya ang titulo ng noontime show ng TAPE Inc, kasunod ng pag-alis ng main hosts ng Eat Bulaga. Kabilang sa mga host ng naturang noontime show na umere sa GMA 7 ay sina Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar, Cassy at Mavy Legaspi, Dasuri Choi, Betong at marami pang iba.

Matatandaang pumirma na ng long-term contract sina Paolo Contis at Isko Moreno sa TAPE Inc. Sa Facebook page ng Sparkle GMA Artist Center, ay naibahagi ang picture ng kanilang contract signing. Naroroon din sina TAPE Inc. President and CEO Romeo Jalosjos Jr., Chief Financial Officer Bullet Jalosjos, at ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Dumalo din ang kinatawan ng GMA na sina Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo at Senior Talent Manager Tracy Garcia.

Read also

Jaclyn Jose, pumanaw ngayong Marso 3, 2024 sa edad na 60

Matatandaan din na naglabas si Paolo Contis ng pahayag habang nasa 'Eat Bulaga' ng GMA-7. Aniya, mahaba pa ang laban at wala pang final pagdating sa usaping legal dahil alinsunod sa batas ay maari pa silang umapela. Ito ay matapos katigan ng IPO ang TVJ kaugnay sa usaping trademark sa titulong Eat Bulaga at EB. Pangako daw nila na anuman ang mangyari ay itutuloy daw nila ang nasimulang tulong at saya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel