Sylvia Sanchez, nagbahagi ng birthday message para kay Maine: "Love you, my daughter!"

Sylvia Sanchez, nagbahagi ng birthday message para kay Maine: "Love you, my daughter!"

- Nagbahagi ng birthday message si Sylvia Sanchez para sa kanyang manugang na si Maine Mendoza

- Sa kanyang binahaging post, makikita na magkasamang nagdiwang ang pamilya ni Maine at ng mister niyang si Arjo Atayde

- Ani Sylvia, ito ang unang birthday ni Maine bilang Mrs. Atayde at masaya sila na nakasama nila maging ang Mendoza family

- Pinasalamatan naman ni Maine si Sylvia sa kanyang pagbati

Ibinida ni Sylvia Sanchez ang pictures na kuha sa pagdiwang nila ng kaarawan ni Maine Mendoza. Ani Sylvia, masaya sila na nakasama nila ang Mendoza family na ipagdiwang ang kaarawan ni Maine.

Sylvia Sanchez, nagbahagi ng birthday message para kay Maine: "Love you, my daughter!"
Sylvia Sanchez, nagbahagi ng birthday message para kay Maine: "Love you, my daughter!"
Source: Instagram

Aniya, ito ang unang birthday ni Maine bilang Mrs. Atayde.

Maine nak, It’s your first birthday with us as Mrs Atayde at Sobrang saya talaga that we all spent it together with the Mendoza family. Masaya ako at masaya ang pamilya natin pagmagkasama.

Read also

Direk Bibeth Orteza, emosyonal na inalala ang kaibigang si Jaclyn Jose

Ayon pa kay Sylvia, excited siya para sa matagal pa na pagsasama nina Maine at Arjo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tayo palang party na Our family keeps getting bigger and bigger! I am so excited for the years ahead for you and Arjo! Love you, my daughter! ❤️ Happy happy birthday @mainedcm

Si Sylvia Sanchez ay isang kilalang aktres sa Pilipinas na sumikat sa industriya ng showbiz mula dekada '80 hanggang kasalukuyan. Ilan sa kaniyang mga kilalang proyekto sa telebisyon ay ang "Be Careful With My Heart," "The Greatest Love," at "Nang Ngumiti Ang Langit." Bukod sa kaniyang pagiging aktres, kilala rin siya na ina nina Arjo Atayde at Ria Atayde.

Matatandaang naibahagi ni Sylvia na nawalan siya ng hikaw nang magpunta sila sa Japan. Sa ulat ni Salve Asis ng Philstar.com, naibahagi niyang 10 carat diamond earring ang kanyang nawala. Gayunpaman, naibalik ito sa kanya nang tawagan niya ang hotel kung saan sila nag-check in kaya laking pasalamat niya. Ayon din sa ulat, nagkakahalaga daw ng 18M ang 10 carat diamond earring.

Read also

Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose

Ibinida naman ni Sylvia ang mga sweet na videos at pictures ng mag-asawang Arjo Atayde at Maine sa kanyang post kamakailan. Kasama si Sylvia sa pagbabakasyon ng mag-asawa at masaya daw siyang makitang masaya ang dalawa. Inihayag din niya ang kanyang kaligayahan na magkaroon ng magandang relasyon sa kanyang daughter-in-law. Ito umano ang hiling nila para sa mga anak na makapag-asawa ng mga mababait na tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel