Aktres na si Cheena Crab, binahagi ang huling pag-uusap nila ni Jaclyn Jose
- Ibinahagi ng aktres na si Cheena Crab ang naging pag-uusap nila ni Jaclyn Jose
- Natanong pa niya ito kung mamatay na ba daw ang karakter niyang si Chief Espinas sa seryeng "Batang Quiapo"
- Sagot naman ni Jaclyn sana ay hindi at natanong din sa kanya noong February 21 kung mababaril na daw ba siya at kinumpirma niya ito
- Ani Cheena, usapan nila ay sa "Batang Quiapo" lang siya mamamatay at nakatakda pa raw sana silang magkita
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naibahagi ng aktres na si Cheena Crab ang naging pag-uusap nila ni Jaclyn Jose kamakailan. Aniya, ay nag-set pa ito na magkikita sila sa March 9 o 10 dahil sure na raw ito na walang taping.
Sa kanilang pag-uusap, tinanong pa ni Cheena si Jaclyn kung mamatay na daw ba si Chief Espinas sa Batang Quiapo. Itinama pa ni Jaclyn si Cheena dahil Espina ang sinabi nito imbes na Espinas.
Sagot naman ni Jaclyn sana ay hindi pa. Ani Cheena, usapan nila ay sa Batang Quiapo lang siya mamamatay at nakatakda pa raw sana silang magkita.
Tita @jaclynjose ang Usapan sa Batang Quiapo kalang ma Tetegi talaga
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma' Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Matatandaang sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn. Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao. Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao.
Nagbabala si Jaclyn sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko. Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya. Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya. Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh