Kristel Fulgar sa hindi pa pagsagot sa Korean suitor: "I need to stick to my beliefs and principles"
- Pinaliwanag ni Kristel Fulgar ang kanyang dahilan kung bakit kahit gusto niya ang kanyang manliligaw na isang Korean ay hindi pa niya ito sinasagot
- Aniya, ayaw niyang makagawa ng bagay na taliwas sa gusto ng kanyang ina at ng Panginoon para sa kanya
- Sa panayam sa GMA News, sinabi ni Kristel na hindi pwede sa church nila na hindi member ng Iglesia ni Cristo na kagaya niya ang maging boyfriend niya
- Nang naka-process na daw ito ng pagpapa-convert ay nagkalakas ng loob siyang ibahagi sa publiko ang tungkol sa kanyang manliligaw
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naibahagi ni Kristel Fulgar na hindi pa niya pwedeng maging boyfriend ang Korean suitor niya kahit aminado siyang gusto niya rin ito. Sa panayam ng GMA sa kanya, nilinaw niyang kailangan parehas niya ng religion ang kanyang magiging karelasyon.
Kaya naman, nang mag-umpisa na umano ito ng pagproseso ng kanyang pagpapa-convert ay saka ibinahagi ni Kristel ang tungkol sa manliligaw niya sa kanyang mga vlogs.
"Hindi ko pa kasi siya pwede talagang masabi na boyfriend ko kahit pwede ko na sabihin na gusto ko talaga 'yung tao kasi hindi pa siya member ng church ko. Kasi INC ako. Kailangan sa church namin same religion
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe, at Bagito.
Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.
Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.
Source: KAMI.com.gh