Sharon Cuneta: "Kahit nga naman ano ang pag-aari mo, kahit gaano ka kayaman, amounts to nothing"

Sharon Cuneta: "Kahit nga naman ano ang pag-aari mo, kahit gaano ka kayaman, amounts to nothing"

- Binahagi ni Sharon Cuneta ang teaser ng kanyang bagong vlog kung saan inihayag niya ang kanyang realizations

- Nakatakda niyang ilabas ang bagong vlog episode na pinamagatang 'Mega's Health Story'

- Sa naturang teaser, sinabi ni Mega na hindi lang sapat na malusog ang pisikal na pangangatawan

- Aniya, gusto niyang baguhin ang kanyang buhay at ang kanyang pananaw sa buhay

Binahagi ni Sharon Cuneta ang isang pasilip sa kanyang bagong vlog na pinamagatang 'Mega's Health Story'. Dito ay inihayag niya ang ilang saloobin niya.

Sharon Cuneta: "Kahit gaano ka kayaman, kahit gaano ka kaligaya sa buhay mo amounts to nothing"
Sharon Cuneta: "Kahit gaano ka kayaman, kahit gaano ka kaligaya sa buhay mo amounts to nothing"
Source: Instagram

Sa naturang teaser, sinabi ni Mega na hindi lang sapat na malusog ang pisikal na pangangatawan.

So it's no longer enough to be in good physical shape, to eat healthily, to be mentally healthy..
Kahit nga naman ano ang pag-aari mo, kahit gaano ka kayaman, kahit gaano ka kaligaya sa buhay mo, amounts to nothing.

Read also

Dasuri Choi, pinabulaanang 3rd party siya: "I will never try to be a 3rd party in my life"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, gusto niyang baguhin ang kanyang buhay at ang kanyang pananaw sa buhay.

I really wanted to change my life and my outlook. I want to create a better version of myself

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nag-post siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Mariel Padilla, nilinaw na vitamin C at hindi gluta ang kanyang drip

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel