Mariel Padilla: "Because trending ako mag-sale tayo sa TikTok"

Mariel Padilla: "Because trending ako mag-sale tayo sa TikTok"

- Nagbahagi si Mariel Padilla ng pahayag kaugnay sa kanyang pag-trending matapos ang kanyang drip session sa opisina ni Sen. Robin Padilla

- Sa kanyang Instagram story, sinabi niyang dahil trending siya ay mag-tinda daw siya sa TikTok

- Sa kanyang TikTok live ay nabanggit niyang adik daw siya sa paglalagay ng vitamins sa kanyang katawan at ito nga ay sa pamamagitan ng pagpapa-drip

- At aminado siyang drip everywhere daw talaga siya at sa katunayan ay nagawa niya na rin daw ito habang nasa TikTok live siya

Nagsalita si Mariel Padilla kaugnay sa pag-trending niya kasunod ng kanyang drip session. Sa kanyang Instagram story, sinabi niyang dahil trending siya ay mag-tinda daw siya sa TikTok.

Mariel Padilla: "Because trending ako mag-sale tayo sa TikTok"
Mariel Padilla: "Because trending ako mag-sale tayo sa TikTok"
Source: Instagram

Sa kanyang TikTok live ay nagpa glut drip din siya uli. Nabanggit niyang adik daw siya sa paglalagay ng vitamins sa kanyang katawan at ito nga ay sa pamamagitan ng pagpapa drip.

Read also

Luis Manzano at Jessy Mendiola, dalawang beses kinasal sa Palawan

Aniya, drip everywhere daw talaga siya at sa katunayan ay nagawa niya na rin daw ito habang nasa TikTok live siya.

Mariel Padilla: "Because trending ako mag-sale tayo sa TikTok"
Mariel Padilla: "Because trending ako mag-sale tayo sa TikTok"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang nagbahagi ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel