Maris Racal, natanggap ang kanyang first Chanel bag mula kay Vicki Belo

Maris Racal, natanggap ang kanyang first Chanel bag mula kay Vicki Belo

- Halos hindi makapaniwala si Maris Racal na niregaluhan siya ng Chanel bag ni Dr. Vicki Belo

- Hindi ito ang unang pagkakataong nagregalo si Dra.Vicki ng designer bag kay Maris

- Ayon kay Maris, hindi niya akalaing magkakaroon siya ng ganoong brand sa para sa kanya umano ay 'so expensive'

- Bukod sa Binondo food trip nila sa vlog ni Dra.Vicki, naikwento rin doon ni Maris ang love story nila ni Rico Blanco

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang 'Can't Buy Me Love' actress na si Maris Racal nang makatanggap ng bonggang Chanel bag mula kay Dr. Vicki Belo.

Vicki Belo, niregaluhan si Maris Racal ng kanyang 'first' Chanel bag
Maris Racal (@mariesteller)
Source: Instagram

Sa vlog ng celebrity doctor, masaya niyang ibinigay ang mamahaling bag kay Maris na aniya'y first Chanel bag nito.

"Ako lang yung nagbibigay ng designer bags kay Maris," kwento ni Dra.Vicki gayung hindi iyon ang unang pagkakataong niregaluhan niya ang aktres ng designer bag.

Read also

Maris, dinetalye ang love story nila ni Rico: "Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry!"

"First was Gucci then ito, Bottega," saad ni Maris na inalala ang mga naibigay sa kanya ni Dra. Vicki.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Oh my God Doc, ang ganda! Naiiyak ako," ani Maris na hindi umano inaasahan ang regalong natanggap.

"Hindi ko ine-expect na magkaka-Chanel ako sa buhay ko... Swear! So expensive!"

Bukod dito, mapapanood din sa naturang vlog ang ang Binondo food trip nila ni Dra. Belo.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa Dr. Vicki Belo YouTube channel:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Read also

Ray Parks, speechless sa natanggap na regalo mula kay Zeinab Harake

Madalas na kagiliwan online ang mga makukulit na post ni Maris. Ilang internet memes na rin niya ang nagpasaya sa publiko. Isa na rito ang kakaibang gupit ng kanyang bangs at sinabing mukha raw siyang pencil.

Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'. Samantala, ang Can't Buy Me Love ay pinagbibidahan ng tambalang DonBelle. Kasama rin nila sa naturang serye sina Agot Isidro, Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel