Maris, dinetalye ang love story nila ni Rico: "Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry!"

Maris, dinetalye ang love story nila ni Rico: "Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry!"

- Naidetalye ni Maris Racal ang love story nila ni Rico Blanco sa vlog ni Vicki Belo

- Dahil katatapos lamang umano ng Araw ng mga Puso, nausisa ni Dra. Vicki si Maris tungkol sa simula ng relasyon nila ni Rico

- Pabiro pa itong nag-sorry kay Rico dahil tila ito ang unang pagkakataong naikwento ito ni Maris

- Aniya, dalawang taon nila itong hindi isinapubliko bago tuluyang aminin na masaya silang nagmamahalan, nagkakaintindihan at nagkakasundo lalo na sa musika

"Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry!" panimula ni Maris Racal bago niya tuluyang ikwento ang love story nila ni Rico Blanco.

Maris, dinetalye ang love story nila ni Rico: "Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry!"
Maris, dinetalye ang love story nila ni Rico: "Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry!" (@mariesteller)
Source: Instagram

Sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo, naidetalye ni Maris kung paano nga ba umusbong ang relasyon nila ni Rico kung saan aminado siyang matagal na niya umanong crush.

Dahil dito, dasal niya umano sa Diyos ang younger version nito.

Read also

Maris Racal, natanggap ang kanyang first Chanel bag mula kay Vicki Belo

"Hindi ko ina-expect na siya yung ibibigay ni Lord hindi yung younger version," natatawang nasabi ng "Can't Buy Me Love" actress.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsimula ito nang mag-post umano niya ng maaring maka-collab na artist o musician sa mga naisulat niyang kanta.

Hanggang sa may nag-tag kay Rico ng naturang post ni Maris, at kalaunan ay napansin din ng dating 'iniidolo' lamang niya.

"Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry! And then one day, bigla nalang siyang nag-aya ng hindi movie e, parang yung play ng Eraserheads. Kasi in-invite siya... kasi music event naman. Hindi pa rin halata."
"And then ako 'yung nagsabi na, huh? Nahihiya ako! Ta's sabi ko nalang may movie akong gustong panoorin...Ta's hindi natuloy yung movie, nag-change yung mind ko. Punta nalang tayo sa event ni Rambo, kasi common friend namin si Rambo... Ang dami kasing nangyayari sa araw na 'yun. 'Punta nalang tayo sa event ni Rambo'."

Read also

Ogie D, nalamang split na muli umano sina Paulo at Janine ayon sa source: "Sana hindi totoo"

"Ang cute pa ng moment na 'yun. Kasi si Rambo, parang kinikilig pa. Parang nagkakamabutihan sila ni Ate Maja ulet, so sobrang sabay namin together"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Dr. Vicki Belo YouTube channel:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Madalas na kagiliwan online ang mga makukulit na post ni Maris. Ilang internet memes na rin niya ang nagpasaya sa publiko. Isa na rito ang kakaibang gupit ng kanyang bangs at sinabing mukha raw siyang pencil.

Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'. Samantala, ang Can't Buy Me Love ay pinagbibidahan ng tambalang DonBelle. Kasama rin nila sa naturang serye sina Agot Isidro, Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel