Heart Evangelista, ibinahagi ang video ng mga kaganapan sa kanilang renewal of vows

Heart Evangelista, ibinahagi ang video ng mga kaganapan sa kanilang renewal of vows

- Ibinahagi ni Heart Evangelista ang video ng mga kaganapan sa kanilang renewal of vows ni Senator Chiz Escudero

- Masasabing pinakaaabangan ito ng lahat dahil dumalo na ang ina ni Heart na dating hindi nakadalo sa araw ng kanyang kasal

- Ang kanyang Mommy Cecile Ongpauco ang naghatid sa kanya sa patungo kay Chiz

- Unang ikinasal sina Chiz at Heart noong 2015, siyam na taon na ang nakalilipas

Sa kanyang YouTube channel na Love Marie Escudero, ibinahagi ni Heart Evangelista ang ilang magagandang pangyayari sa renewal of vows nila ng mister na si Senator Chiz Escudero.

Heart Evangelista, ibinahagi ang video ng mga kaganapan sa kanilang renewal of vows
Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero (Love Marie Escudero YT)
Source: Youtube
"It still feels like the first time. A day after my birthday, Chiz and I renewed our weddings vows exactly where we first said our "I do's" in 2015 — and this time, we were surrounded by our dearest friends and family, including my mom. My heart is overflowing with gratitude knowing that almost a decade after our wedding, we're still blessed with amazing people who have shown us love and support throughout our marriage."

Read also

Maris Racal, may cute surprise kay Rico Blanco sa Rivermaya reunion: "Rico, my oppa!"

"This day was filled with joy, tears, and laughter, and I can't wait to show you how this beautiful chapter unfolded right before our eyes"

Isa rin sa makikita sa video ay ang pagdalo ng kanyang ina na si Cecile Ongpauco na matatandaang hindi pumunta sa kasal nina Heart at Chiz noong 2015.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayon, ito pa ang naghatid kay Heart patungo kay Chiz para sa kanilang renewal of vows.

Narito ang kabuuan ng video:

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Heart Evangelista, niregaluhan ni Chiz Escudero ng mamahaling singsing sa kaarawan nito

Samantala, kamakailan ay ipinaliwanag ni Heart kung bakit wala ang kanyang ama sa kanilang renewal of vows ni Senator Chiz. Aniya, recovering pa raw ito sa gamutang isinagawa sa Amerika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel