Heart Evangelista, niregaluhan ni Chiz Escudero ng mamahaling singsing sa kaarawan nito

Heart Evangelista, niregaluhan ni Chiz Escudero ng mamahaling singsing sa kaarawan nito

- Binahagi ni Heart Evagelista sa kanyang Instagram story ang video ng pagtanggap niya ng regalo ni Chiz Escudero

- Nitong February 14, 2024 ay ginanap ang birthday celebration ni Heart para sa kanyang ika-39 na kaarawan

- Tila naman nabigla si Heart nang buksan niya ang laman ng jewelry box at base sa suot niyang singsing sa iba pang pictures, kulay blue ang bato ng singsing

- Umabot daw sa 1 milyon ang halaga ng naturang singsing

Marami ang napa-sana all kay Heart Evangelista matapos nitong makatanggap ng mamahaling singsing mula sa kanyang asawang si Chiz Escudero. Tila naman nabigla si Heart nang buksan niya ang laman ng jewelry box.

Heart Evangelista, niregaluhan ni Chiz Escudero ng mamahaling singsing sa kaarawan nito
Heart Evangelista, niregaluhan ni Chiz Escudero ng mamahaling singsing sa kaarawan nito
Source: Instagram

Ayon sa ulat ng Abante News, umabot sa isang milyong piso ang halaga ng naturang singsing na may blue na bato.

Kamakailan nga ay nagdiwang si Heart ng kanyang ika-39 na kaarawan. Isang simpleng celebration ang kanilang ginanap sa Balesin kung saan ginanap din ang kanilang renewal of vows kasabay ng kanilang wedding anniversary.

Read also

Heart Evangelista, pinasilip ang kanyang photoshoot para sa 39th birthday niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel