MelaSon, kinakiligan sa kanilang simple ngunit sweet na Valentines Day video

MelaSon, kinakiligan sa kanilang simple ngunit sweet na Valentines Day video

- Pinakilig nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang kanilang fans sa video na kanilang binahagi

- Binigyan ni Jason ng bulaklak ang kanyang mag-iina at kwintas para sa kanyang asawa

- Bukod sa kanyang mag-iina, binigyan din niya maging ang kanilang mga kasama sa bahay

- Marami ang kinilig at humanga kay Jason sa kanyang ginawang surpresa na ayon sa netizens ay simple ngunit sincere

Kinakiligan sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa video na kanilang binahagi. Binigyan ni Jason ng bulaklak ang kanyang mag-iina at kwintas para sa kanyang asawa.

MelaSon, kinakiligan sa kanilang simple ngunit sweet na Valentines Day video
MelaSon, kinakiligan sa kanilang simple ngunit sweet na Valentines Day video
Source: Facebook

Tuwang-tuwa ang kanyang mag-iina sa kanyang sorpresa nitong nagdaang Valentine's Day. Marami ang kinilig at humanga kay Jason sa kanyang ginawang surpresa na ayon sa netizens ay simple ngunit sincere.

Narito ang ilang komento:

Wow the best ka ❣️ your the best husband and father. Celebrating heart’s day with the family is the best memory thst you can give to your children

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

When Jason said " ito matcha hnd nyo to gusto kya sa akin na lang to," found it sweet
Very sweet family, no dramas, ito ung family vlogger di scripted lahat ng videos, nakakatuwa d nakakaumay.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jason Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Isabelle Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel